Chapter 97 CALIXTRO… AFTER A WEEK of hiding, pansin na pansin ko ang pag-improve ng katawan ko. Simula nang ihinto ko na rin ang gamut na ipinaiinom sa akin ni Cameron. Hindi lang gamut para sa nanlalambot kong mga paa, maging sa pag-iisip ko. Pansin kong nagiging mas kalmante na ako, hindi na madaling uminit ang ulo ko. Lalo na sa pagtulog ko sa gabi, dati pakiramdam ko may mga taong salita nang salita sa isipan ko. kaya hindi rin talaga ako nakakapag-isip nang maayos, bukod sa hindi ako nakakatulog nang maayos. Ngayon nga kahit na walang therapy akong ginagawa, hindi ko na kailangan ng tungkod para maglakad. Wala akokng ibang ginawa kung hindi ang matulog, at kaunting work out lang. Pero bumuti na ang pakiramdam ko na ganito, bagay na talagang nakakapagtaka. Hindi tuloy mawala sa isi

