Kabanata 10

2062 Words
"Ang blooming natin ngayon ah!" nakangiting bati ni Michelle kay Kyrielle. Nginitian niya din naman ito pabalik at saka nagpatuloy sa paglalagay ng makeup sa mukha niya. "Asus. Nag-aayos ka talaga ng bongga para sa kanya?" tanong pa nito sa kanya. "Huh?" "Hindi ba't si Caleb lang din naman ang magta-table sa'yo? Gabi-gabi ka niyang sinusundan dito sa club at parang okay lang sa'yo," panunukso ng babae sa kanya. Isang linggo na ang lumipas mula nang magtapat sa kanya si Caleb na gusto siya nito. Mula din noon, gabi-gabi siya nitong pinupuntahan dito sa club at magdamag na binabantayan. Si Caleb lang lagi ang nagta-table sa kanya. Hindi niya alam kung magkano ang ibinabayad nito kay Tamuni at pumapayag ito na hindi na siya sumayaw o magpa-table sa iba pang customer ng club. Nagpatikhim si Kyrielle. "Syempre hindi okay sa akin, noh! Wala lang talaga akong choice," tugon niya sa babae. "Wala kang choice o gusto mo din naman siya?" nakangising panunukso sa kanya ni Michelle. "Saan naman nanggaling iyan? Paano mo naman nasabi na gusto ko rin siya?" "Ano ka ba naman, girl? Eh halatang-halata naman sa mga kinikilos mo eh. Sa mga ngiti mo sa tuwing kausap mo siya at sa mga tingin mo sa kanya. Nakikita kong may pag-ibig ka rin para sa kanya!" Napanganga siya. Hindi niya alam na ganito pala ang iniisip ng kaibigan niya sa kanya sa tuwing kasama niya si Caleb. "Mali ka! Hindi totoo 'yan," matinding pagkakaila niya kay Michelle. "Hay naku. Huwag ka ng mag-deny pa. Okay lang naman 'yan," sabi nito sabay tapik sa kanyang braso. "Hindi nga sabi—" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil biglang pumasok sa kwarto si Tamuni. "Kyrielle, nandyan na si Pogi!" nakangiting sabi sa kanya ng matanda. "Go girl! Enjoy the rest of your shift! Halos gabi-gabi ‘yang date niyo ah," panunukso pa rin ni Michelle sa kanya. Napailing na lamang siya dito at mabilis na tinapos ang kanyang pag-aayos ng sarili. Pagkatapos no’n ay lumabas na nga siya ng dressing room upang lapitan si Caleb. Malayo pa lang ay nakangiti na ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit parang lalo itong guma-gwapo sa kanyang paningin. Nang makalapit na siya sa lalaki ay pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Bigla naman siyang na-conscious sa damit na pinasuot sa kanya ni Tamuni. "I-ito kasi 'yong pinapasuot sa akin ni Tamuni," paliwanag niya kaagad kay Caleb. "You're beautiful," nakangiti nitong sabi sa kanya. Nakaramdam siya ng pamumula ng pisngi dahil sa sinabi nitong papuri sa kanya. Off shoulder at denim na palda ang suot niya. 'Yong tama lang na hindi sobrang iksi at hindi din mahaba. Unlike before na halos wala na siyang takpan sa kanyang katawan. Hindi niya nga alam kung bakit napapapayag ni Caleb si Tamuni sa mga ganito. Sa pagkakakilala niya kasi sa kanyang amo ay hindi papayag 'yon na mahina ang kita ng club. Kaya halos hubad na silang lahat na pinagsasayaw nito para lang dumami ang mga customer. Bukod kasi sa kanya ay nakakapagtakang hindi na din masyadong revealing ang suot ng iba niyang mga kasama dito. "Alam mo, mapapagod ka lang sa ginagawa mo. Kailan ka ba titigil? Hindi ko alam kung anong ginagawa mo kay Tamuni at pumapayag siya na halos hindi na ako magtrabaho dito sa club." "Hindi pa ako nagsisimula, Kyrielle. At wala akong balak na itigil ang lahat ng ito," nakangiti ngunit batid niyang seryosong sabi sa kanya ni Caleb. Natigil ang pag-uusap nilang dalawa nang biglang dumating si Michelle. "Naku, Girl! Mukhang nangangamoy gulo ito!" Natataranta nitong sabi sa kanya. "Huh? Bakit? Anong problema?" tanong niya sa babae. "Kasama ni Audrey si—" "Murphy?" Hindi na natapos ni Michelle ang sinasabi nito dahil agad nang nakita ni Kyrielle ang biglaang pagdating ni Murphy kasama si Audrey. "Anong ginagawa mo dito?" Nakasalubong ang dalawang kilay ni Murphy habang nakangisi naman si Audrey sa tabi nito at hindi gusto ni Kyrielle ang pakiramdam niya ngayon. "Ito ba? Ito ba 'yon ha?" maangas at matalim na tanong ni Murphy kay Audrey habang nakatingin ngayon pareho ang dalawa kay Caleb. "Oo. Siya nga iyon," si Audrey ang sumagot. "Ikaw 'yong nagbigay ng pera sa akin dati, hindi ba? So, kaya mo pala ako binigyan ng pera noon, para masulot mo 'tong girlfriend ko?" galit na sabi ni Murphy kay Caleb. Agad na pumagitna si Kyrielle kina Murphy at Caleb. "Murphy, ano ba? Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" tanong niya kay Murphy. Hinawakan siya ni Murphy sa kanyang braso habang may seryosong tingin. "At ikaw naman, bakit ka nakikipaglandian sa lalaking ito?" galit nitong tanong sa kanya. "Pwede ba? Huwag kang mag-iskandalo dito," saway niya rito. "Bakit? Nahihiya ka sa mga kalokohan mo?" tanong nito at mas lalo nitong hinigpitan ang paghawak sa kanya, dahilan para mapainda siya sa sakit. "Aray ko, ano ba, Murphy?" Doon na nagsimulang magsalita si Caleb. Pilit siya nitong kinuha sa pagkakahawak ni Murphy sa kanya. "Huwag mo naman siyang saktan, bro," sabi ni Caleb kay Murphy. "Huwag mo akong matawag-tawag na bro, hindi kita kapatid, gago ka!" sigaw ni Murphy at sinugod na nito ng suntok si Caleb. Nagtilian ang ibang tao na nandoon, kabilang na sina Michelle at Audrey. Agad naman siyang pilit na umaawat sa dalawa. Panay ang sugod ni Murphy at puro iwas lang ang ginagawa ni Caleb. Ni hindi nito ginagantihan ng suntok si Murphy. "Tama na iyan! Ano ba?! Murphy tama na please!" awat niya kay Murphy. Pero hindi ito nagpaawat hanggang sa masuntok na nito nang tuluyan sa labi si Caleb. Ang suntok na iyon ay nasundan pa nang nasundan. Madami na ang umaawat kay Murphy pero patuloy lang ito sa pagbugbog kay Caleb. Tumigil lang ito nang mapuruhan na nito si Caleb at halos hindi na makatayo. Niyakap niya si Murphy at doon na bumuhos ang mga luha niya. "Tama na, Murphy. Please tama na!" pagmamakaawa niya sa demonyong lalaki. Hindi niya kayang tingnan si Caleb ngayon dahil sa mga sugat at dugo na tinamo nito sa kamay ni Murphy. Parang may kung anong dumudurog sa puso niya at halos mahirapan din siya sa paghinga. "Layuan mo si Kyrielle kung gusto mo pang mabuhay," pagbabanta pa ni Murphy kay Caleb saka siya nito hinila palabas ng club. Labis ang pag-aalala niya para kay Caleb pero wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sumunod na lamang kay Murphy. Pagdating sa inuupahang bahay nila ay galit na galit pa rin si Murphy at panay ang panunuya sa kanya. "Kailan mo pa ako niloloko? Huh?!" sigaw nito sa kanya. "Ano bang sinasabi mo? Bakit mo ginawa iyon kay Caleb?!" sigaw niya pabalik sa lalaki. "Akala mo ba hindi ko pa alam ang lahat? Pwes alam ko na, Kyrielle! Sinabi na sa akin lahat ni Audrey! Alam ko na na may relasyon kayong dalawa ng gunggong na iyon!" "Ano? Naririnig mo ba ‘yang mga sinasabi mo, huh?" "Sino ka para gaguhin ako?! Huh?! Bakit ka nakikipagrelasyon sa lalaking iyon?!" Napasinghap siya. "Ano naman sa'yo kung may relasyon kaming dalawa? Huh? Baka nakakalimutan mong ikaw ang paulit-ulit na nagtutulak sa akin sa iba’t ibang mga lalaki. At mula nang araw na ibinenta mo ako sa matandang lalaki na iyon, natapos na ang lahat sa atin! Nang dahil na lamang sa anak ko kaya ako nananatili sa buhay mo!" Galit na hinila ni Murphy ang buhok niya dahil sa mga sinabi niya dito. "Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na sa akin ka lang?! Oo, pwede kang ikama ng kahit na sinong lalaki para sa pera, pero sa akin ka lang, Kyrielle! Hindi ka pwedeng magmahal at sumama sa iba! Aliw mo lang ang pwede mong ibahagi sa kanila. Hindi ka pwedeng seryosohin ng kahit sino! Alam mo kung bakit? Kasi pagmamay-ari kita!" sigaw sa kanya ni Murphy. "Napakahayop mo talaga, Murphy!" sigaw niya habang pilit siyang kumakawala dito. "Napaka-selfish mo! Sarili mo lang ang iniisip mo! Alam ko naman na hindi mo na ako mahal, hindi ba? Kaya mo nga nagagawa lahat ng ito sa akin. Hayaan mo na akong maging masaya, Murphy! Lahat na ay ibinigay ko sa'yo. Lahat na din kinuha mo na sa akin. Pati ang anak natin!" "Hindi ka pwedeng umalis sa buhay ko, Kyrielle. Pagmamay-ari kita. Walang pwedeng sumeryoso sa'yo." Pagkasabi nito no'n ay agad siya nitong hinawakan sa magkabilang braso niya at saka siya siniil ng mga halik. Iniwasan ni Kyrielle ang mga halik na iyon mula kay Murphy habang naglalandas ang kanyang mga luha at patuloy sa pagtangis ang kanyang puso. Pero sa bawat pagtanggi niya ay sinasaktan lamang siya nito. "Murphy, maawa ka sa akin!" sigaw niya. "Akin ka lang, Kyrielle. Gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin sa'yo dahil pagmamay-ari kita!" sigaw ng lalaki sa kanya. Pinilit ni Murphy na may mangyari sa kanila nang gabing iyon, pero pinilit niya din na hindi iyon matuloy. Oo, lumaban siya. Tumanggi siya. Hanggang sa namanhid na ang buong katawan niya dahil sa pananakit ng lalaki sa kanya. Sa huli ay iniwanan na lang din siya nito ng mag-isa. Pero hindi doon natapos ang kalupitan ni Murphy sa kanya. Kinabukasan ay hindi siya nito pinayagan na lumabas ng bahay. Ikinulong siya nito sa kwarto at maghapon na hindi pinakain. Parang hayop kung ituring siya ng lalaki at halos patayin niya na ito sa kanyang isipan. Tatlong araw siyang kinulong ni Murphy sa kanila pero nang sumunod na araw ay pinalabas na siya nito para magtrabaho ulit sa club. Wala na daw kasi itong pera kaya kailangan niya na ulit magtrabaho para sa lalaki. Pero mahigpit siya nitong pinagbilinan na huwag nang makipagkita o lumapit pa kay Caleb. At muling ginamit na panakot sa kanya nito ang kanyang anak. Na kung nais nitong maging ligtas lagi ang bata ay huwag na itong gumawa ng bagay na ikagagalit ng lalaki sa kanya. "Kyrielle!" tawag sa kanya ni Michelle. "Kumusta ka na? Sobrang nag-aalala ako sa'yo matapos ang nangyari." Isang matamlay na ngiti ang binigay niya kay Michelle. "Ayos lang ako. Huwag ka nang mag-alala," tugon niya. "Sorry, wala man lang akong nagawa para maipagtanggol ka sa hayop mong boyfriend." "Hindi ko siya boyfriend, Michelle. Matagal nang natapos ang lahat ng sa amin. Matagal nang nawala ang pagmamahal ko para sa kanya." "Eh bakit kasi ayaw mo pa siyang iwan?" tanong nito sa kanya. "Gustong-gusto ko na siyang iwan. Kung hindi lang dahil sa anak ko, matagal ko na talaga siyang nilayasan," mapait na tugon niya. "Eh ano na bang plano mo ngayon? Hanggang kailan mo titiisin ang ganyang pakikitungo sa'yo ni Murphy?" "Hanggang kaya ko. Para sa anak ko. Kailangan kong malaman kung saan niya iniwan ang anak ko. Para tuluyan ko na siyang maiwanan." "Sana nga ay matupad mo ang pangarap mo na makita at makasama ang anak mo," saad nito sa kanya. "Siya nga pala, nanggaling dito kagabi si Kikay at hinahanap ka. Nag-aalala daw si Aling Tindeng sa'yo pero hindi daw makaalis ng bahay dahil may sakit ito." "Kumusta daw si Nanay Tindeng?" nag-aalalang tanong niya. "Hindi ko na kasi naitanong kung ano ang sakit nito. Basta nabanggit lang ni Kikay na may sakit ito." "Sige, dadaanan ko na lang siguro sila mamaya bago ako umuwi. Salamat, Michelle." "Wala iyon. Saka, alam mo na bang wala na dito si Audrey?" "Huh? Anong ibig mong sabihin?" gulat na tanong niya dito. "Eh kasi naman, hindi ba't siya ang nagsimula ng gulo dito noong gabing iyon? Kaya ayon, tinanggal na siya ni Tamuni. Si Audrey kasi ang nagsumbong kay Murphy at nagsabi na may relasyon kayo ni Caleb kahit hindi naman totoo. Nagalit si Tamuni kaya pinalayas na niya dito ang bruhang babaeng iyon," pagku-kwento ni Michelle sa kanya. "Sayang naman," nanghihinayang na tugon niya. "Huh? Anong sayang doon? Mabuti nga iyon at nawala na siya dito." "Sayang kasi hindi ko man lang siya nasabunutan o naupakan man lang," nanggigigil na saad niya at sabay na silang napatawa na lamang ni Michelle. Natigil sa pagtawa si Michelle saka siya mapanuksong tiningnan. "O siya, alis na muna ako. May bisita ka. Usap na muna kayo huh," anito sabay alis. Tumalon ang puso ni Kyrielle nang makita niya si Caleb na papalapit sa kanya. Kahit na tatlong gabi niya lang itong hindi nakita, pakiramdam niya ay isang linggo na iyon dahil sa pagkasabik niya na marinig muli ang boses nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD