Zhairell Kheina X. Mirchovich's Pov "Hey." Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa nagsalita at naramdaman ko nalang na naupo sya sa tabi ko. "Sa laki ng RU, dito mo pa talaga naisipang tumambay." aniya. "Hindi ka ba natatakot na baka sugurin ka ng mga nakamasid na iyan?" He's Zeci L. Caswell, panganay na anak nila Tito Korzec at Tita Mari. "Kilala nila ako kaya hindi sila gagawa ng ikapapahamak nila." walang gana kong sabi. "Ano bang ginagawa mo dito?" "Hinahanap ko si Suzaku." Dumilat ako at tumingin sa kanya. "Dinala ko kasi sya sa ground floor ng Moon Tower dahil naubos na yung stock ng pagkain sa kwarto ko. Eh, naiwang nakabukas ang pintuan kaya ayun, nakatakas sya." "What?" Tumayo ako. "Kung hinahanap mo sya, bakit nakikiupo ka pa dito?" Napakamot sya ng u

