Zhairell Kheina X. Mirchovich's Pov Mula nang lumabas si Mairon sa unit niya matapos ang halos isang buwang pagkukulong, hanggang sa pagpasok namin dito sa Royal University ay hindi pa kami nakakapag-usap ng matino. Alam ko kasing sinabi na sa kanya ng barkada ang totoong nangyari sa amin ni Zarah yet everytime na bubuksan niya ang topic ay agad akong magpapaalam at aalis. May mga times pa na kapag nagkikita kami ay agad akong lilihis ng daan para maiwasan siya. Hindi pa kasi ako ready na sabihin sa kanya lahat. Hindi naman sa gusto ko siyang pahirapan pero natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari. Na baka kapag nalinawan siya sa dahilan ko ay magpilit pa siyang ayusin ang relasyon naming dalawa dahil siguradong malalaman din niya na hanggang ngayon ay mahal ko pa din siya. O

