Zhairell Kheina X. Mirchovich's Pov "Ry?" Pumasok ako sa kwarto ni Zhairy at nakita kong kasama nya din sina Kuya Xerem at Cloud. "Oh, nandito pala kayong dalawa." Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni Cloud. "Anong pinagkakaabalahan nyo dito? Nasa ground floor silang lahat huh." Saturday ngayon at walang klase at mukhang walang kanya-kanyang plano ang barkada kaya nandito lang kami sa dorm ngayon at nagpapahinga. "Maingay." simpleng sabi ni Cloud tsaka yumakap sa akin. "Bakit nandito ka?" "Kakausapin ko kasi iyan oh." tukoy ko kay Zhairy. "Ilang araw din syang busy kaya kung ipagpapaliban ko pa, baka hindi na naman ako makahanap ng tyempo." "Bakit? Ano bang sasabihin mo?" tanong ni Zhairy sa kapatid. "Magpapalipat ako sa night class." sabi ko. "Nabanggit ko na

