Jino Sun Shiraishi's Pov (Royal University's Director) "Nagpunta na ba dito si Moon?" tanong ko kay X nang mapansing bukas ang ilaw sa rooftop garden ng Moon Tower. Ang babaeng iyon lang naman ang nag-iisang umaakyat doon. "Kung dito mismo sa office mo, hindi pa. Pero nang makabalik sya dito, ilang beses din nyang dinalaw yung garden mo sa rooftop." sagot nya. "Gusto mo syang makita?" Tumingin ako sa kanya at umiling tsaka ibinalik ang mga hawak kong papeles ang tingin. "Hindi na. Hihintayin ko nalang na sya na mismo ang kusang lalapit sa akin." "Baka matagalan pa iyon." Tumingin ako sa kanya. "You know, galit pa din sya sayo eh. Maliban sa hindi ka nya binabanggit ang pangalan mo, kung anu-ano pang mura ang tawag nya sayo." Napangiti ako at umiling-iling. "I see." Hind

