Francess Dominique A. Mirchovich's Pov "Francess Dominique Ayuri-Mirchovich!" Aish! Inis ko itong hinarap at sinamaan ng tingin. "Kailangan talaga ipagsigawan ang buong pangalan ko, Kuya?" Oo, si Kuya Xerem lang naman iyon at siguradong sesermunan ako nito dahil sa paghiwalay ko kina Zhairell. "Nakasalubong ko sina Kheina at sinabi nilang mag-isa kang umalis." See, tama ang hinala ko. "Hindi ba't sinabi kong huwag kang gagala dito nang mag-isa." Aish! Nakakainis talaga minsan ang may kapatid na sobrang protecitive. "Kuya. Hindi ko alam kung bulag ka pero nakikita mo naman sigurong may kasama ako, hindi ba?" Itinuro ko si Jeremiah na nasa tabi ko. Tumingin siya dito. Bahagyang tumango tsaka muling tumingin sa akin. "At mas dapat pala akong mag-alala dahil kayong dalawa a

