Mairon Pyxis H. Vienna's Pov Nag-decide si Zhairell na lumipat sa night class at alam kong isa ako sa dahilan kung bakit nya iyon ginawa. Gusto nyang makaiwas sa akin dahil sa paulit-ulit kong pagtatangkang komprontahin sya sa mga nangyari noon na naging dahilan ng paghihiwalay namin. Bakit ba kasi ayaw nyang ipaalam sa akin iyon? Karapatan ko pa ding malaman ang totoong dahilan niya. Bakit ba nagiging unfair siya? She is not like this before. "Dude." Lumingon ako kay Paul na syang tumawag sa akin. Nilapitan nya ako at tumabi sa akin. "Hindi mo pa din nakakausap si Ate Rell?" Tumango ako. "Iniiwasan nya talaga ako. At kahit magtanong ako sa barkada, hindi din nila ako sinasagot. Ang lagi lang nilang sinasabi, si Kheina ang nag-decide na huwag nang ungkatin kung anuman

