8: Girlfriend

1336 Words
Elaine's POV Naging mabilis ang takbo ng bawat araw. At hindi ko namalayan na dalawang buwan na pala ang nakalipas mula nang manirahan ako dito sa France. At masasabi ko namang naeenjoy ko ang bawat araw na lumilipas. Kasalukuyan ako ngayong nandito sa apartment ni Ahl. Tinuturo niya kasi sa akin ngayon iluto ang ilang French cuisines para sa dinner namin. Yes, halos lagi na kaming magkasama ni Ahl kumain. Minsan sa apartment ko kami kumakain, minsan naman ay dito sa apartment niya. "And now, we wait." sabi niya pagkatapos iset ang timer ng oven. Napasandal na lang kami parehas sa counter habang pinagmamasdan ang nakasalang na Cassoulet sa oven. "Elaine, we should go out tomorrow since weekend naman." suggest niya. Napalingon naman ako sa kaniya. "Go out?" tanong ko. "Yep. We should work hard to complete those things in your bucket list you know?" he chuckled. "I think I'm not the only one who's enjoying that bucket list." sagot ko. "Well, what can I say? It's fun to fulfill things that you want to do. Without anyone stopping you or controlling your decisions." sabi niya. Nakita ko na naman yung lungkot sa mga mata niya. Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako. "Oh, wait! I will get a wine in the pantry. Be right back." sabi niya saka umalis. Napabuntong hininga na lang ako at pinagmasdan ulit ang pagkain na nasa loob ng oven. Nang matapos na ito ay agad na naming pinrepare ni Ahl ang lamesa para makakain na kami ng dinner. We talked about my bucket list and the places that we are planning to visit for tomorrow. Parehas kaming excited kasi matagal na din mula nung huling gala namin. After namin kumain ng dinner ay nagpasya kaming tumambay ni Ahl sa balcony niya. Well, wala kasing balcony ang akin. Kaya halos nandito ako lagi sa apartment ni Ahl dahil gustong-gusto ko ang balcony niya. Kasalukuyan kaming nakaupo sa wooden swing habang nakatanaw sa magandang tanawin na nasa harap namin. Tanaw kasi mula sa balcony niya ang liwanag ng Eiffel Tower. "You know what? I have a good news to you." nakangiti niyang sabi habang nakatingin pa din sa tanawin. "Ano iyon?" I asked. "I can finally say na I'm okay. Not fully okay. But semi-okay." sabi niya with a genuine smile on his face. Napangiti na lang din ako. "Well, kahit full pa iyan or semi. Atleast you can say na okay ka na. That's a good progress." sabi ko. "What can I say? Meron akong napakabuting kaibigan na nasa tabi ko palagi. And that's you, chéri. Thank you for cheering me up. Siguro kung wala ka baka lugmok pa din ako ngayon." sabi niya kaya parehas kaming natawa. Dahil doon ay bigla ulit pumasok sa isip ko yung about kay Manon at Chanel. I think this is the best time to tell Ahl about it. He deserves to know. "Ahl?" bungad ko. "Hmm?" "I have to tell you something." sabi ko na hindi makatitig sa mga mata niya. "What is it?" "Manon and--" I was interrupted by the sound of Ahl's doorbell kaya napunta doon bigla ang atensyon niya. "Are you expecting someone?" tanong ko. Nagkibit balikat lang siya pero agad na siyang tumayo at pinagbuksan ng pinto ang kung sinumang nagdoorbell. Sinundan ko naman siya. Nang buksan niya ang pinto ay parehas kaming nagulat nang makita si Manon. Napatingin din si Manon sa akin. Tila nagulat kung bakit nasa apartment ako ni Ahl. "Ahl? Can we talk?" Manon asked. "Il n'y a rien à dire." madiin na sabi ni Ahl. (T: There's nothing to talk about.) "S'il te plaît. Parlons. Donnez-moi juste une minute pour expliquer. Je sais que j'ai merdé. Et je suis désolé." (T: Please. Let's talk. Just give me a minute to explain. I know I f****d up. And I'm sorry.) sagot ni Manon. Pero parehas lang akong nagpapalitan ng tingin sa kanilang dalawa dahil di ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila. "Too late for that Manon. I have Elaine now." biglang sabi ni Ahl sabay biglang hawak sa bewang ko at hinapit palapit sa kaniya na kinagulat ko. Napatitig naman si Manon sa akin na nakakunot ang noo. Tila ba hindi niya inasahan ang narinig niya. Luh? Kahit ako naman. "What do you mean?" tanong ni Manon na tila hindi pa din gets. "Elaine is my girlfriend now. That's why you should leave us alone. I don't need any of your explanations, Manon. Save that for yourself." sabi ni Ahl. Napailing-iling na lang si Manon saka tumingin ulit sa akin bago tuluyang umalis. Agad namang sinara ni Ahl ng padabog yung pinto. Akala ko iiyak siya or ano. Pero nagulat ako nang humagalpak siya sa tawa na lalong ikinakunot ng noo ko. "Did you saw his face? It's fvcking hilarious!" tawa niya habang nakahawak pa sa tiyan niya. Pero ako nganga pa din dahil sa ginawa niya. Halos parehas yata kaming reaksyon ni Manon eh. "Ahl...Can you explain to me what just happened?" sabi ko kaya natigil siya sa pagtawa. "Sorry, Elaine. Nabigla ako eh. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Kaya bigla na lang pumasok sa isip ko na sabihing girlfriend kita para hindi niya na ako kulitin. I know Manon. Hindi siya titigil unless may rason para patigilin siya." sabi niya pero tahimik pa din ako. "I'm very sorry for using you as my escape without getting your permission. I don't want to face him lalo na't unti-unti na akong nagiging okay. I fought hard just to be in the state where I am now. At ayoko ng bumalik sa pinanggalingan ko, Elaine. I hope you understand." paliwanag niya. Napabuntong hininga naman ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ayoko na ding makita si Ahl na devastated dahil sa Manon na iyon. He don't deserve Ahl. "Sorry. Don't worry, I will treat you lunch and dinner tomorrow. Promise." sabi niya sabay hinawakan ang kamay ko na tila nagmamakaawa. Napangisi naman ako. Well, anyway sinabi niya lang naman iyon para mapaalis si Manon. It's not like we're going to continue to pretend it, right? "Well dapat lang. Since, I'm YOUR GIRLFRIEND." sabi ko na inemphasize pa ang salitang 'your girlfriend'. Natawa naman kami parehas tapos bumalik na lang ulit sa balcony para tumambay. - The next day, gaya ng plano namin ni Ahl ay ginawa namin ang ilang nakalagay sa bucket list ko. Una kaming nagpunta sa Jardin des Tuileries na pangatlo sa bucket list ko. After that ay nagpunta din kami sa Notre Dame Cathedral na ikaapat naman sa listahan. At sa Arc de Triomphe na nasa ikalima naman sa listahan. Tatlo na ang nacheckan ko sa aking bucket list kaya tuwang-tuwa ako. We took many photos sa lahat ng lugar na pinuntahan namin. Sinulit namin talaga ang araw namin dahil the day after tomorrow ay parehas na ulit kaming busy sa work. Lalo na at working student ako. And now we're on our way to complete the sixth one on my bucket list. Which is to eat a crepe. At saktong may alam na café si Ahl para sa masarap na crepe. At talaga daw magugustuhan ng newbie sa France kagaya ko. And since he promised me last night ay talagang nilibre niya nga ako buong araw. Hahaha! And yes, nang matikman ko ito ay nagustuhan ko talaga ito. Halos maghugis puso yata ang mata ko nang matikman ito sa unang pagkakataon. Natawa na nga lang si Ahl sa reaksyon ko. After a long tiring but happy day ay nagpasya na din kaming umuwi agad na dalawa. Nakangiti akong chineckan ang pang-anim sa bucket list ko saka napatingin kay Ahl na nakafocus ngayon sa pagddrive. Ahl always tell me that he's lucky to have me as his friend. Ang hindi niya alam, ako ang lubos na maswerte dahil nakilala ko siya at naging kaibigan ko dito sa France. He made my stay here so memorable. He's an amazing person that made my living here an amazing experience too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD