Elaine's POV
Lumipas ang isang linggo na halos hindi kami nakakapag usap ni Ahl. Hindi naman sa iniiwasan namin ang isa't-isa. Pero everytime na mag-uusap kami ay nagiging awkward. May times na nagkakatinginan kami inside the office tapos ay agad kaming mag-iiwasan ng tingin. We stayed that way ng halos isang linggo after namin makabalik from London.
At dahil nakabalik na din ako ay bumalik na din ako sa pagpasok ko sa school. Tinanong ako ni Beatriz kung bakit ang tagal kong nawala kaya sinabi ko sa kaniya yung about sa fashion show. Pinuri niya ako at hindi siya makapaniwala na sa kilalang agency ako nagpapart time work.
Madame also talked to me. Maraming nag-alok sa akin ng collaboration to be a fashion designer s***h model in their brands. At karamihan ng nag-alok sa akin ay mga famous luxury brands. Kaya naging proud talaga ako sa sarili ko. At dahil sa sobrang dami nila ay sinabi ko muna kay Madame na pag-iisipan ko muna. Lalo na't once na makapili ako ay kakailanganin na pumunta na naman sa ibang bansa. Which will require a half-month stay.
Madame also called for a meeting. Napag-usapan na magkakaroon ng celebration party dahil sa naging successful na fashion show. Hindi agad ito naidaos kasi after naming makabalik ng Paris ay naging hectic ang schedule because the staffs are preparing for the upcoming Winter collection. Hindi ako nakajoin sa project since hinihintay ni Madame ang sagot ko sa inalok niyang projects sa akin.
-
"Okay. Really. We should break the ice, Elaine." biglang sabi ni Ahl. Tahimik kasi kaming dalawa na kumakain dito ngayon sa apartment niya. He invited me to come kaya pumunta ako. Isang linggo na kasi ang lumipas na hindi kami nagkakasabay kumain. Inaamin ko na namimiss ko yung closeness naming dalawa before. At nainis ako sa sarili ko because I created awkwardness between us. Bukod kay Beatriz, si Ahl lang ang kaclose ko dito. Kaya mahirap para sa akin na hindi kami nakakapag-usap or nakakapag-pansinan.
"Look. First of all, I want to apologize that I'm the one who took your virginity. Alam ko na dapat nakalaan iyon sa magiging asawa mo. But then, I took it. I'm sorry for getting drunk and not watching my tolerance. I didn't intend to do that. You know how I respect you Elaine. You know how I cherish you as my friend. Kaya please wag mong isipin na pinlano ko iyon or what." sabi ni Ahl with a tone of guilt in his voice. Napabuntong hininga naman ako.
"I'm sorry too dahil nagpakalasing ako masyado. It's also my fault kaya hindi lang dapat ikaw ang magsorry. At kilala kita Ahl. Don't worry. I know hindi ka ganon na tao para sadyang gawin iyon sa akin. I trust you. Talagang lasing na lasing lang tayo parehas that time kaya wala tayong malay sa nagawa natin. I can't even remember what exactly happened that night." natatawa kong sabi.
"Me too. It's all blurry to me." he chuckled.
"It already happened. And we cannot took that back. Ang tanging magagawa na lang natin is kalimutan na iyon at mag-move on." sabi ko na tinanguan niya.
"You're right. We should remove the awkwardness between us." sagot niya.
"Would you believe me if I say that It is also my first time and you took also my virginity?" natatawang sabi ni Ahl.
"Really? Wala bang nangyayari sa inyo ni Manon?" I asked.
"Wala. Hahaha! You're also my first chéri." natatawa niyang sabi. Pero somehow para akong natuwa na ewan. After that, nag-usap usap kami sa mga bagay. Nagcatch up kami sa isang linggo na hindi pag-uusap. And every time na mapupunta ang usapan namin sa nangyari sa amin ay dinadaan na lang namin parehas sa biro para hindi kami maawkward ulit.
Naikwento ko din kay Ahl ang alok ni Madame sa akin. He told me to accept it immediately. Since luxury brands daw pala ang nag-aalok sa akin ay kailangan kong pag-isipan agad ang sagot doon. Hindi ako makapili kung anong brand ang pipiliin ko kaya nanghingi ako sa kaniya ng advice nang makapag decide na ako. Good thing that I ask for his advice kaya agad na akong nakapili at agad nagmessage kay Madame. Madame told me that we will discuss about it after the party. Sa ngayon ay magfocus na daw muna ako sa preparation.
Sabi ni Ahl, hindi daw basta-bastang party ang magaganap kaya sinabihan niya akong magprepare bukas dahil bibisita kami sa isang tailor na kilala niya. Doon daw kasi siya lagi nagpapagawa ng suit niya. Kaya nag-agree ako.
-
Nang makabalik ako sa apartment ko ay agad na akong dumiretso sa kama ko at nahiga. Sakto namang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko kung sino yung nagmessage. Nagulat ako nang makita ang pangalan ni Gian kaya agad ko itong binuksa.
GIAN RODRIGUEZ: I know my message is a week late but I still want to congratulate you on the fashion show. You did great and I'm so proud of you. Continue on reaching your dreams, Elaine.
Nang mabasa ko ang message ni Gian ay napangiti ako. Hindi kami gaanong nakapag usap last week kaya siguro sa message niya ako binabati.
ELAINE MARTEJA: Thank you, Gian!
GIAN RODRIGUEZ: You're welcome. I'm still hoping that you will fulfill your promise.
Pagkabasa ko ng reply niya ay naalala ko ang naging pangako ko sa kaniya. Pangako na hahanapin ko ang kasiyahan ko dito. At sa tingin ko naman ay on progress na ako doon. Everything is falling into place. At sana magtuloy-tuloy na ito.
ELAINE MARTEJA: Don't worry, I won't forget about that Gian. A promise is a promise. :)
Pagkareply ko sa kaniya ay agad ko ng nilapag ang phone ko sa side table at napatingin sa kisame. Napabuntong hininga ako saka ngumiti.
I'm so glad that I'm making a progress. Thanks to the people who cares about me. Siguro kung wala sila, wala ako ngayon kung nasaan ako.
-
Kinabukasan after work ay agad na kaming nagpunta ni Ahl sa kakilala niyang tailor. Nang makapasok kami sa shop ay bumungad sa amin ang mga clothing racks na may mga dresses, gowns at tuxedo, may mga mannequins din kung saan may nakadisplay na mga gown at mga suits. Kaya hindi ko maiwasang ilibot ang mata ko sa buong shop. The designs are all simple but pretty. Napansin ko na hindi siya gaanong gumagamit ng too much sequins or beads sa isang gown or dress.
After a while ay sumalubong ng yakap kay Ahl ang isang babae na kung tatantiyahin mo ay nasa 50's ang edad. Napag-alaman ko agad na siya ang may-ari ng shop nang makita ko ang nakasabit na medida sa kaniya. I was expecting a French woman who owned this shop. Kaya medyo nagulat ako nang iapproach niya kami ni Ahl ng tagalog. Hahaha! It was nice to see someone from the same home as mine. Kababayan in other word.
"Hello! Nice to see you again, Ahlen. Welcome back sa shop." nakangiting bati ng babae at tumingin sa akin.
"Uhh, by the way. This is Elaine. Siya po yung sinasabi kong magpapasukat ng gown." sabi ni Ahl. Napatango naman yung babae.
"Hello, kamusta. Ako si Viktorina. But please just call me Vik. Ayoko ng tinatawag akong Manang gaya ng unang tawag nitong si Ahlen sa akin kasi pakiramdam ko lalo akong tumatanda. And please wag na kayo mangopo sa akin. Hahaha!" sabi nito kaya natawa kami.
"Nice to meet you, Vik." bati ko. Napangiti na lang siya sa akin. After that ay sinimulan niya na akong sukatan para sa gown. Habang si Ahl ay nakaupo sa tapat namin at nagtitingin lang sa magazines.
"Para saan ba ito mga hijo at hija? Kasal ba? Bakit hindi ako invited?" tanong ni Vik habang sinusukatan ako. Nanlaki parehas ang mata namin ni Ahl nang marinig iyon.
"No! Hahaha! It's not our wedding. Elaine is my friend, Vik. Para iyan sa celebration party ng agency next week." paliwanag ni Ahl.
"Ay ganon ba? Pasensiya na. Hahaha! Bagay kasi kayong dalawa." sagot ni Vik kaya nagkatitigan kami ni Ahl. Pero agad akong napaiwas ng tingin ng tanungin ako ni Vik kung anong style ng gown ang gusto ko. Tapos niya na pala ako sukatan.
After kong iexplain sa kaniya ang ideal gown na gusto ko ay si Ahl naman ang sinukatan niya. Nang matapos na sukatan si Ahl ay hindi muna kami umalis. Nagstay muna kami para makipagkwentuhan kay Vik. Hinainan niya kasi kami ng tsaa saka biscuits kaya hindi na din kami nakatanggi. Hahaha!
Nalaman ko na designer pala siya sa agency before. Pero maaga daw siya nagretiro kasi matagal na nilang pinangarap ng asawa niya ang magtayo ng sariling shop. Kung si Vik ay nag-gagawa ng mga suit at gowns, ang asawa niya naman ay nag-gagawa ng mga sapatos. Kaya yung shop na katabi pala nito ay sa asawa niya. Pero malaki naman daw ang utang na loob niya sa agency. Kasi dahil daw dito ay napagtapos niya ang tatlo niyang anak.
Ilang saglit pa ay dumating ang asawa niya. Napangiti ito nang makita si Ahl kaya sinalubong niya ito ng yakap gaya ng ginawa ni Vik kanina. Napangiti na lang ako kasi parang anak ang turing nila kay Ahl.
"Kamusta ulit, Ahl. Hahaha! Kamusta yung ginawa kong sapatos? Nagustuhan ba ng babaeng pinagbigyan mo?" tanong nito. Napakamot naman si Ahl sa batok niya at nahihiyang tumingin sa akin. Kaya napatingin sa akin yung lalaki. Napangiti ito nang makita ang sapatos na suot ko.
"Ahh. Siya pala iyon?" nakangiting sabi ng lalaki. Doon ko lang napagtanto na siya pala ang naggawa ng sapatos ko na niregalo ni Ahl sa akin nung birthday ko. So, it means matagal ng sinabi ni Ahl sa asawa ni Vik ang about sa birthday ko? Kasi hindi naman basta-basta natatapos ang isang sapatos sa isang araw lang.
"Kamusta hija, ako nga pala si Arthur. Asawa nitong napakagandang babae na ito. Hahaha!" biro nito kaya napahampas ng pabiro si Vik sa asawa niya.
"Nako, pasensiya na kayo dito sa asawa ko. Talagang palabiro ito." sabi ni Vik. Napangiti na lang kami ni Ahl sa kanila.
Ilang saglit pa ay napagpasiyahan na namin ni Ahl na magpaalam sa mag-asawa. Sinabi nito na idedeliver na lang sa amin ang suit at gown kapag tapos na. Since simple lang naman daw ang napili namin ni Ahl na disensyo ay matatapos niya agad ito.
Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ni Ahl at nakahinto dahil sa red traffic light. Bigla kong naalala yung about sa sapatos.
"So, ganon pala yung hindi nakapagprepare?" pabiro kong sabi kay Ahl. Naalala ko kasi yung sabi niya sa letter when he gave me the shoes. Napangisi lang siya.
"Sorry naman. Hahaha!" sagot niya. Sakto namang nagswitch na ang traffic lights sa green kaya umabante na ulit kami. Nang makarating kami sa apartment building ay nag-usap pa kami ni Ahl about sa mag-asawa. Nacurious kasi ako lalo na nang malaman ko na naging designer pala sa agency si Vik.
"Well, naabutan ko si Vik doon sa agency on her last month as a designer. Intern pa lang ako that time. At siya yung nag-guide sa akin doon. Matagal na siyang nagttrabaho doon sa agency. Sing edad mo siya nung magsimula siya under the management of Madame's mother. She's one of the senior designers on the agency and she's really great. Sayang nga lang dahil isang buwan ko lang siyang nakatrabaho sa agency since nagretire na nga siya para ifulfill yung pangarap nilang mag-asawa na magtayo ng shop." sabi ni Ahl. Napatango naman ako doon. I can't help but to admire Vik. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.
Kasi alam ko nung nasa kaedaran ko siya ay nangarap din siya gaya ko ngayon. And now, she already reached her dreams with a loving husband on her side. She already found her happiness with him. Napangiti na lang ako. After hearing Vik's story ay feeling ko lalo akong na-encourage na magpatuloy.
The only thing that I can do for now is to trust the process.