Napapikit ako nang bigla niyang ibinagsak ang mga papeles na hawak niya. "What are you thinking, Secretary Gillian?! Mr. Hernaez is one of the most important person in the company!" Hinilot niya ang magkabilang noo at tumayo. "S-Sabi mo po kasi na huwag muna ako tumanggap ng ibang nagpapa-schedule," hindi ko maiwasang mautal habang sinasabi iyon. "Sana sinabi mo muna sa akin! Nakakahiya kay Mr. Hernaez! 'Yan na nga lang ang trabaho mo, hindi mo man lang magawa ng tama!" Pinilit kong huwag ma-iyak dahil sa sigaw niya. Pagkarating ko ay mainit na ang ulo niya. Kanina nga may nagsabi sa akin habang papasok na may sinesante siya. Tumahimik siya at ilang segundong hindi nagsalita kaya napa-angat ang tingin ko. Bigla niyang iniwas ang tingin niya nang magtama ang tingin namin. "Leave," sam

