Wala akong marinig na iba kung hindi ang hiyawan lang. Hindi ko alam kung anong klaseng halik iyon, o kong may klase ba ang isang halik, basta ang alam ko, nalulunod ako sa paraan ng pag halik niya. Sinipsip niya ang labi ko at pinaglaban ang mga dila namin. Parang nawala ako sa tamang pag-iisip. Dapat ay tinulak ko na siya, pero hindi ko mautusan ang kamay ko kung ano ang gagawin. Pareho naming hinahabol ang panghinga namin nang tuluyan niyang pinakawalan ang labi ko na ngayon ay nanatiling nakaawang. Lumayo siya, pero nakahawak pa rin siya sa batok ko. Bago tuluyang tanggalin ang kamay niya sa batok ko ay bumulong pa siya. "Kayang humalik ng babae ang isang bakla, Secretary Gillian," bulong nito at tuluyan nang tumayo. Sa isang iglap ay bumalik ang pagkabakla niya. "Kadiri, hindi na

