Naka pagpalit na kami, tulog na rin siya, habang ako ay gising pa. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang hinihilamos ang kamay sa mukha. Tapos na, nabigay ko na ang sarili ko. Naipaubaya ko na sa kanya ang buong sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyare. Pilit kong hinahanap ang paghihinayang at pagsisisi sa sarili ko, sa puso at utak ko, pero naiinis ako sa sarili ko kasi kahit kaunti wala akong maramdaman na pagsisisi. Ngayong natapos ko nang ibigay ang sarili ko, pumasok sa isip ko si Papa, ang galit nitong mukha nang sabihin kong hindi ko nobyo ang lalakeng nakita niyang nanghalik sa akin. Sigurado ako na kapag nalaman niyang naibigay ko na lahat sa taong hindi ko nobyo ang sarili ay mas lalo siyang magagalit sa akin. Sigurado rin ako na kapag nalaman niya ito ay sisisihin niya a

