Lanie's Pov: "Why are you doing this?" Scared, but I managed to ask him. Nakita kong napangisi s'ya sa tanong ko. Naglakad s'ya palapit at tumigil sa sapat na distansya. Namaywang s'ya at tila nag-isip habang pinaglalaruan ang baril sa kamay. "Bakit nga ba?" Nakangising ulit n'ya sa tanong ko. "Let's say, it's because of a revenge. Naniningil lang ako ng pautang!" Nanatiling nakatingin ako sa kanya, hindi makuha ang gusto n'yang sabihin. Napailing-iling si Sir Yvan. "For sure, you still remember my story back then. Ang pagkakasunog ng buong bahay namin noon kasama ng aking pamilya. To make the story short, ang mga Aronzaga ang kauna-unahang nag-abot ng tulong sa amin. Sa kanila din nanggaling ang kagustuhang ampunin ako. I don't know why..." He looked at Yshmael. "Maybe because they'r

