Chapter 33- Fear

1513 Words

Lanie's Pov: Nagising akong medyo umiikot pa din ang paningin. Muli akong pumikit bago muling binuksan ang mga mata. Hindi nga lang iyon nakatulong sa hilong nararamdaman ko. Ang sakit-sakit ng ulo ko at umiikot talaga ang paningin ko. Madilim pa din ang paligid na nabungaran ko at hindi pa nakatulong ang lamig na nararamdaman kong unti-unting pumapatay sa init ng katawan ko. Pinilit kong alalahanin ang lahat ng nangyari. Mula sa pagbabalik ko sa eskwelahan hanggang sa pagsuntok ni Gregor sa sikmura ko. Wala sa loob na nasapo ko ang medyo nananakit pa ding sikmura. Hindi ko akalaing magagawa ni Gregor ito, lalo na ay ang pagbuhatan ako ng kamay. Mapait na napangiti ako, I'm really stupid. Dahil alam kong pinadali ko lang ang plano nilang pagkuha sa akin. Ako pa ang lumapit sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD