Three years later. Nanatili ang mga mata ko sa tanawing nasa labas ng sasakyan, katulad ng dati ay pinagkakasya ang sarili sa mga tanawing natatanaw. Ganito na ako mula nang sunduin ako ng sasakyan namin sa Terminal 3 sa Pasay. Tatlong taon na ang nakakalipas mula nang mangyari ang trahedyang iyon sa bayan ng Hespheria. Parang apoy na kumalat iyon sa buong bansa lalo pa nga't mga kilalang tao ang sangkot doon. Ang lungsod ng Vienna na nananahimik sa kanlurang Visayas at hindi dati pinapansin ng mga tao sa mapa ay naging laman ng balita sa loob ng ilang buwan matapos mangyari ang trahedyang iyon sa isa sa pinakamayamang bayang meron ang lungsod. Mabilis ang pangyayari. Sobrang bilis na halos hindi ko na masundan. Ilang araw pa bago na-proseso ng utak ko ang lahat. Kuya Sage is Maser,
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


