Inabot na ata ako ng 4am bago matapos pag gawa ng cupcakes. Sinilip ko si Brent na mahimbing pa rin ang tulog.
Nagising na lang ulit ako ng maramdaman kong may bumuhat sa akin. Pag mulat ko ay nakita kong napasulyap din sa akin si Brent.
"Sorry nagising kita, plano ko lang na ilipat ka dito sa kwarto. Nakatulog ka kasi na nakaupo"
Maingat niya akong ibinaba pabalik sa upuan. Napatingin ako sa wall clock 10am na pala, mugto pa rin ang mata ni Brent.
"Kamusta pakiramdam mo?"
Ngumiti siya sa akin at bumaba para magkapat ang mata namin. "Maraming salamat sa pakikinig Brianna, it means a lot. Sobrang bigat kasi ng pakiramdam ko lately. But then you came, thank you" marahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko hindi ako makagalaw, mabuti na lamang at tumunog ang telepono.
"Ate Bri?" takang tanong ni Brent, baka kausap niya si Stacey ngayon. "Oh, no. She just woke up. Pinuyat mo ata" pumasok muna ako sa kwarto ni Stacey para bigyan sila ng privacy.
Hindi nagtagal ay pumasok na din si Brent na namamasa ang mata. Baka umiyak nanaman.
"Stacey's on the way to your mother. Hindi daw siya mangangako na makakatawag ulit siya, dahil sobrang hirap daw maka-call dito"
"Ok. Thank you. Btw, I baked cupcakes nga pala"
Bago ko umuna pag labas ay nahablot niya ang kamay ko at yumakap. "Maraming maraming salamat Brianna. You're the girl she's referring before"
"What do you mean?"
"You saved her, sabi niya naglalakad daw siya sa Japan going to the apartment tapos may group of boys daw na binastos siya at kinuha ang bag niya"
**flashback~~
"I missed you dad, I'm sorry I can't make it. Still reviewing for board exam"
"Hindi ba pwedeng sumaglit ka lang? Gusto kong makasama ang prinsesa ko sa birthday ko"
"I really want to dad. Promise after exam uuwi agad ako"
Napabuntong hininga na lamang si daddy sa kabilang linya.
"I'm really really sorry daddy"
"Naiintindihan ko nak, sige na. Mag-ingat ka pag uwi ha. I love you"
Pagkababa ko ng tawag ay nakita ko ang mga gangster kong classmate na may pinagtitripan.
"Sup, same old habits freaks?" panunura ko sa kanila. Nahuli ko ang attention ng leader nila.
"Stay out of this Brianna"
"Leave her alone" matapang na sabi ko. Hindi ako natatakot sa kanila. Dati oo pero ngayon ay hindi na.
Tinigilan nila ang babae at bumaling sa akin. Bago ko sila simulan ay tumingin muna ako sa umiiyak na babae.
"Miss, move and stay behind my back. If something happens to me, run ok?"
Naunang sumugod sa akin ang mga alagad ni Lim. Pero hindi rin nagtagal yon dahil kung sa tutuusin ay mahihina sila.
"You can beat them but not me. You know it Brianna!" naglabas siya ng patalim. Naging maingat ang bawat sugod ko sa kanya. Pero sa huli ay natalo ko rin siya.
Tinadyakan ko siya dahilan para mabitawan niya ang patalim na hawak niya at napasandal sa pader iniharang ko ang braso ko sa leeg niya.
Iginala ko ang paningin ko, namimilipit pa rin sa sakit ang mga kasama ni Lim.
"Apologize Lim. She is my business because she's my friend. Understand!!?"
Nanginginig siyang tumango at humingi ng tawad sabay takbo.
"Are you ok miss, hatid na kita"
Kalma na si Stacey ng makarating kami sa apartment na tinutuluyan niya.
"Thank you miss?"
"Chandria Diaz" sabay abot ko sa kamay niya na nakalahad.
"Pasok ka gagamutin ko sugat mo"
"I'm fine. Malayo sa bituka ko. Mag-ingat ka next time miss. I'll go ahead. Malapit na din dito ang bahay ko"
~End of flashback
"Thank you also"
Nauna akong lumabas ng kwarto at naghanda ng cupcakes, may nakita naman akong cocoa kaya ginawa ko yong hot chocolate..
"It's delicious teacher" pag puri niya sa ginawa ko. Kumuha ako ng bento box at nag lagay ng 6 na cupcakes.
"Pupunta ka ba sa penthouse sa 40th floor dun sa couple?" tumango ako. "Hindi ka ba natatakot na baka may zombie don or ikulong ka nila?"
"Palagay ang loob ko sa kanila Brent. Ewan ko kung bakit, parang ikaw lang sila I trust them the way I trusted you"
Kinuha ko ang maliit na kutsilyo at arnis. Mabuti nang handa. Ganun din si Brent.
"Hi" bati ko kay Coreen nang makarating kami sa unit niya.
"Hello Bri, come in?" nagkatinginan kami ni Brent.
"Don't worry, kami lang ni Troy ang nandito" ibinuka niya ng ayos ang pinto, bigla naman lumabas si Troy topless at pawisan. Napatalikod agad ako sa nakita ko.
“Ohhh goshh. I’m sorry” pag hingi ng tawad ni Troy.
“Ano ba yan love, haha. Pasok na kayo Brent, Brii” pag-anyaya ni Coreen.
Inilapag niya ang cupcakes sa table at pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Pasimpleng bumulong si Brent, pinaalalahanan ako na wag ko daw itong inumin dahil baka may nakahalo.
“Ang sarap ng cupcake na gawa mo Bri, this is actually the best. Hindi siya sobrang sweet”
“Hi, sorry ‘bout earlier. Love, tour muna natin sila”
“Yeah, if that’s fine with you Bri, Brent?” nagkatinginan kami ni Brent, wala ni isang sumagot sa amin. Nahalata siguro yun Troy.
“I know its hard to trust, specially know but I am telling you, walang zombie dito, if that’s what you are thinking.” seryosong sabi ni Troy.
Napabuntong hininga si Brent bago tumingin kay Troy at Coreen, “I’m sorry, just worried. But she trusts you” pag turo niya sa akin, napangiti na lang ako sa kanila.
Tama ang desisyon ko na pagkatiwalaan sila, double ng unit ni Brent ang tinutuluyan nila, maganda at maaliwalas din.
“Ok, this is the last room I’m going to show. But don’t freak out ok?” excited na hinawakan ni Coreen ang door knob, medyo nakaramdam ako ng takot kaya napahawak ako kay Brent.
“At my back” bulong niya sa akin, naramdaman niya siguro ang takot ko.
Biglang binuksan ni Troy ang pinto, napa-pikit ako sa takot, napamulat na lang ako ng makarinig ako ng mahinang agikik ni Troy at Coreen.
“Sorry, I can’t help it” pag hingi ng paumanhin ni Coreen.
“What’s so funny?” galit na tanong ni Brent. Hinagod ko ang likod ni Brent bago sumilip sa pinto.
Biglang tumigil si Troy at Coreen sa pag tawa at sumeryoso bago sagutin si Brent “It’s just that”.. putol na sagot ni Troy dahil natatawa tawa pa siya.
“Let’s go” mabilis na hinawakan ni Brent ang kamay ko at hinila ako para umalis.
“Chill dude, ok sorry. Natawa lang kami sa reaction niyo, do you think that we are hiding something in here?” pagpapaliwanag ni Troy pero bakas sa boses niya ang pagka-irita.
“Stop, ok?” sita ni Coreen kay Troy at Brent “Sorry, Brent, Bri. This is just my collection” mahinahon na paliwanag ni Coreen.
Kumalas ako mula sa pagkakahawak ni Brent at tumapat sa pinto ng kwarto, different guns and ammos, bows and arrows at kung ano anong gamit.
“Are those licensed?” tanong ni Brent.
“Yes. My parents are both cops, and I’m an archer. I also studied self defense classes” paliwanag ni Coreen.
“Oh, you have katana?” naagaw ang pansin ko ng isang lumang katana.
“Yes, my dad bought it. Bakit?”
“I grew up in Japan, I studied martial arts”
Kinuha ni Coreen ang katana at iniabot sa akin.
“You can use it” nakangiti niyang saad.
“No Coreen, collection niyo to. Nagandahan lang ako”
“Hindi na importante ang collection ngayon Brianna, mas importante na ang kaligtasan. Wala tayong kasiguraduhan kung hanggang kelan to” malungkot na sagot ni Coreen.