Dahil kasama ko tong mokong na to kaya car niya ang gamit namin pauwi ng Pangasinan.alas singko pa lang umalis na kami para hindi kami abutin ng tanghali sa daan, siya ang nag drive at ako naman relax lang sa tabi niya,naka idlip pa ako pero ginising niya ako ng mag stop over kami sa Pampanga.
“Hmm,anong oras na ba?” Medyo inaantok pang tanong ko sa kanya sabay hikab.
“Its 7:27 i’m hungry lets get some breakfast and coffee”sagot niya na may kinukulikot sa phone niya saka ko lang napansin na naka park na pala kami dito sa harap ng isang sikat na fast food.
“Okay,tara na” aya ko na dinampot ang sling bag ko saka lumabas ng kotse.mabilis lang kami nakarating ng pampanga dahil mabilis magpa takbo ng sasakyan si John.magkahawak kamay kaming pumasok sa loob at nag hanap ng maupuan.
“You may find our seat and i grab us some food”ani niya sakin kaya di na ako tumutol pa. Alam naman niya ang gusto ko kaya bahala na siya.napalinga ako dito sa loob ng lugar medyo marami rami din ang kumakain may nakita pa akong parang isang pamilya ang nag agahan. Mayamay pa may dala ng tray si John na may umuusok na dalawang cup ng coffee.
“Here’s your coffee baby” inilapag niya sa harapan ko ng kape.
“Thanks Andreil,” pasalamat ko sa kanya na nakangiti.
“Hmmm ,coffee and my baby love calling me my second name made my day already” ani niya na nakangiti din habang sip ng kape niya.
“Sus bola, but anayway thank you kasi sumama ka may kasama akong driver” biro ko sa kanya.
“Ah ganon? Hmmm ikaw na mag drive pagkatapos natin mag breakfast.” Tunong naasar na sagot niya kaya natawa ako.
“Okay,no problem doc Rickman,sabi mo yan ha ako mag drive?” Panigurado kung tanong sa kanya.akala siguro ng mokong na to di ako marunong mag drive.
“Marunong ka mag drive?” Mangha niyang tanong
“Medyo,” sagot ko na nakangisi sa kanya.
“Why medyo lang ?dapat sure ka at —“ sabi niya pero na udlot ang sasabihin pa niya sanang iba ng lumapit samin ang crew dala ang breakfast namin.
“Here’s your breakfast maam,sir. Enjoy your food po” ani ng crew saka umalis na pagkatapos namin mag thank you sa kanya. Tahimik na kaming kumain dahil mukha nga talagang gutom siya kasi kinain niya agad ang in order niya pagkain, 5pcs pancake na may mapple syrup with butter and jelly,hushbrowns and bacon.
Lunch time na ng makarating kami sa bahay namin.Alam nila mamai at papai na uuwi ako at may kasamang kaibigan.nasa bahay na daw sila para maghanda ng tanghalian para sa bisita ko.maaga nalang daw sila magsarado sabi ni mamai kay kuya ben sa Resto,si kuya ben ang katiwala ni mamai sa Resto pag wala sila o kami. Dahil nga di alam ni John ang lugar namin kaya ako ang nag drive, namangha pa siya na alam kong mag drive kaya natawa ako sa reaction niya.di niya alam na bata pa lang ako sanay na ako mag drive kahit truck pa dahil lagi akong kasama ni papai sa farm.kung walang mga taong mag drive para mag deliver ng mga gatas sa planta ay ako ang nag drive dahil hindi naman kailangan na may license kasi nasa loob lang din ng farm namin at malayo sa city.
“Atse ! wa ja laran si Eloisa walay kaiba tong gwagwapo (ate andito na sila eloisa may kasamang gwapo)” dining kong sigaw ni ate beth ang labandera namin na nasa gilid nagsasampay ng mga basahan.
“Marakep ya agew sika Eloisa - magandang araw sayo Eloisa” bati sakin ni ate beth.
“Hello po ate beth,” bati ko pabalik sa kanya.kinuha naman ni John ang dala namin gamit sa likod ng kotse mayamaya pa nakita ko si papai na palabas ng pinto nasa likoran si mamai at si carlos na nakangiti.
“Mano po papai, mamai” abot ko sa kamay nila dalawa saka sila niyakap ng mahigpit.
“Kaawaan ka ng dios” ani ni papai pero lumagpas ang tingin nito sa likuran ko,nilingon ko si Andreil na mukhang kinakabahan.
“Umm ,mai, pai si John po kaibigan ko.John sina mamai at papai ko” pakilala ko sa kanila sabay hila sa kamay niya para makalapit.
“Magandang tanghali po sa inyo tita,tito” bati niya sabay kuha ng kamay para mag mano kay mamai at papai,tahimik lang si papai habang nakatingin sa amin o mas tamang sabihin kay John.
“Magandang tanghali din sayo iho,buti at sumama ka kay eloisa” ani ni mamai na nakangiti.
Lumapit naman siya kay papai saka tumayo ng tuwid.
“Magandang tanghali po tito,I’m John Andreil Rickman po” pakilala niya sabay lahad ng kamay.habang seryuso look naman si papai na parang pinag aaralan si John.
“Magandang tanghali naman sayo.” Tinanggap niya ang kamay ni John, naka hinga naman ako ng maluwag.
“Naku pasok na tayo sa loob at mainit dito”ani ni mamai.
“Hi Eloisa!” Bigla singit ni carlos na nasa likuran nila papai.
“Hello Carlos, kumusta na?” Lapit ko sambay bunggoan namin ng aming siko.yon ang batian namin dalawa dahil simula ng pagdating namin lagi na dito si carlos minsan pag wala siyang pasok siya ang kasama ni papai kung saan sila gagala. Kaya naging ka close ko na rin siya.
“Ito pogi pa rin, ikaw kumusta? Mas lalo yata tayong hiyang sa manila at mas lalo kang gumaganda” bola niya pang sabi sakin kaya sabay kaming natawa .
“Naku kahit kailan talaga bulero ka” sagot ko na natatawa pa rin.
“punta ka pala bukas sa bahay at birthday ni Nanay” sabi niya na nakangiti sakin
“Umm titingnan ko ha,”medyo di ko sigurado na sagot sa kanya kaya napakamot siya sa ulo.
“Sa hapo— hey baby lets go inside” singit ni John sa usapan namin ni carlso.napa tingin naman kaming sa kanya na seryuso ang mukha.
“Mga anak hali na kayo sa loob niyo na ituloy ang kwentuhan” tawag samin ni mamai na nasa loob na ng bahay kaya pumasok na rin kami.
“Inarom mo ya?” Tanong ni carlos na seryuso din ang mukha.
“An di pa -yes! “ Sabay namin sagot ni John buti nalang nasa loob na sila mamai at papai.napangiti naman ng pilit si Carlos.per nagulat ako ng maintindihan ni Andreil ang tanong ni Carlos.wala akong nagawa ng hinila na ako ni John papasok sa loob,sumunod naman samin si Carlos.
“Ahh uncle tom, uwi na po muna ako at nakalimutan ko pala na may pinapakuha si nanay sa bayan”paalam ni carlos kay papai.
“Dito ka na muna kumain ng tanghalian”ani ni papai sa kanya pero umiling lang siya.
“Hindi na po uncle,medyo busog pa po ako kumain kasi ako bago punta dito”sagot niya saka lumapit kay mamai para magpa alam din.tumango lang ito sakin at lumabas na ito ng bahay.
*
Masaya si mamai na binida ang kanyang mga lutong ulam kay John .habang tahimik naman kumakain si papai.pagkatapos namin kumain pinaakyat na kami ni mamai para magpa hinga.sa dating kwarto ni ate Lydia si John pinalinis na pala ni mamai ito ng malaman niyang may kasama akong uuwi.
“Okay lang ba sayo kung dito ka?” Tanong ko sa kanya ng buksan ang kwarto ni ate.alam ko na hindi ganito ang kwarto niya sa manila dahil alam ko naman na kung susukatin yong buong bahay namin parang living room lang nila yon kung ekukumpara .
“Of course as long na andito ka”ani niya sabay hila sakin at niyakap ako ng mahigpit.pero di pa gaano katagal ng may tumikhim sa may pintuan at nakita namin si papai.