CHAPTER 17

1010 Words
TROY POV Pag gising ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa sahig kaya mabilis akong bumangon kahit na ang sakit pa ng katawan ko lalong lalo na ang pwetan ko, ang baho rin ng basura na halos katabi ko lang ng matulog ako. Napatingin ako sa paligid at maraming mga tao ang dumadaan. Nakatingin sila sa akin at tinatakpan nila ang kanilang mga ilong sa tuwing malapit sila sa akin. Inamoy ko ang mga kili kili ko at maasim nga ako. Lumingon ako sa likod and I noticed that it was the same bar na pinag iinuman ko nitong araw. Nahihilo pa rin ako, mabuti na lang at hindi ninakaw sa akin yung cellphone at wallet sa bulsa ko. Walang hiyang George ito! Tinapon na lang niya ako na parang basura pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa. Sa susunod na magkikita kami, sisiguraduhin ko na magagalit talaga ako sa kanya! Tapos nilaspag pa niya ako kagabi at sobrang painful ng s*x namin. Nag grab ako ng taxi at umuwi ako sa bahay. Pagpasok ko sa loob, dumeretso kaagad ako sa kwarto ko at nag cr kasi tinawag ako ng kalikasan at para makaligo narin kasi ang baho baho ko talaga. Pag upong pag upo ko sa bowl, dama ko ang sakit ng tumbong ko! Napansin ko rin na may dugo sa brief kong puti pero parang tuyo na ito. Halos manghina ako sa nakita ko. Pagtapos kong dumumi, diretso flush na talaga ako. Ayaw ko nang tingnan kasi sigurado naman ako na may dugo rin itong kasama. Natatakot ako para sa sarili ko ngayon. Should I seek a doctor? O igo google ko na lang ito? Paano kung may sakit pala si George at kaya siya nakipag s*x sa akin ay para mahawa ako ng kung ano mang sakit niya? Napa hawak ako sa ulo ko habang naka upo ako sa bowl. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko? Libog ang umiral sa akin kagabi! Naligo na ako at dumeretso ng paglalaba ng brief kong may dugo. Hindi pwedeng makita nila mama at papa itong sitwasyon ko kasi sigurado ako na ikakahiya nila ako bilang anak. Sa cr ko na lang din sinampay ang brief ko. Mabuti na lang at natanggal ko yung dugo kahit kaunting sabon lang ang gamit ko. Bago ako lumabas, pinaliguan ko muna ng pabango ang sarili ko! Hindi pwede na maamoy nila mama at papa ang alak ko. Gusto ko rin sanang mag kape sa baba. Subalit pag bukas ko ng pintuan, gulat na gulat naman ako ng makita ko si mama na paparating. Nakasimangot ang mukha niya. Mukhang nahuli niya akong ngayon lang umuwi at siguradong tatalakan niya na naman ako! "Troy? Anong nangyari sayo ha? Saan ka na naman galing? Pasilip silip ka pa kanina, kitang kita ka naman namin sa gate ng papa mo! Tapos ang baho baho mo pa, amoy na amoy namin!" Napakamot ako sa ulo. Nakaka bad mood talaga yung pagiging talakera ni mama kahit kailan. Kaya ayaw ko na ring umuwi rito sa bahay, puro na lang ganito palagi ang ginagawa niya. "Ma, nagkasiyahan lang kami ng mga tropa ko kaya ngayon lang ako naka uwi," pagsisinungaling ko pa. Gusto ko sanang mag maktol ng mas malala pero ayaw ko na lang na lumala ang sitwasyon naming dalawa. Tutal ako naman ang anak so ako rin ang talo! "Yung totoo anak? Bakit ka umiinom? At tsaka si Audrey, yung girlfriend mo? Bakit hindi mo na siya dinadala rito sa bahay?" Lalong nag init ang ulo ko ng marinig ko ang pangalan ni Audrey! Yung girlfriend ko na 'yun, ni hindi ko man lang siya natikman sa kama. Kung pumayag lang sana siya na may mangyari sa amin, baka may pag asa pa akong maging lalaki ulit eh! "Ma, parehas lang po kaming busy ngayon ni Audrey," pagdadahilan ko pa, alam ko na pag sinabi ko sa kanya na wala na kaming dalawa ni Audrey, pag susupetsahan na naman niya ako na bading. "Ahhhh... bakit nasaan ba siya ngayon?" hirit na tanong niya pa. Kung alam ko lang kung nasaan siya, malamang pinuntahan ko na siya. Kaya lang, naglaho siya ng parang bula eh. At sa tingin ko, babalik lang siya kapag malapit na ang pasukan namin ulit sa school. "Nasa province po ma," pagsisinungaling ko, "Kasama niya ang tatay niya and sa pasukan ulit kami magkikita." "Ganun ba? Ikaw ha! Long distance relationship kayo ng girlfriend mo kaya wag na wag kang magloloko." "Excuse me po, magkakape lang ako," pag iba kong topic, I am not having any of these bullshits lalo na't ang sakit pa rin ng pwetan ko. "Sige magkape ka na!" Pababa na sana ako ng hagdan ng may pahabol na sabi pa si mama, "Siya nga pala yung tropa mong si James, nagppunta rito kanina, sabi niya kung gusto mo raw sumama ng outing sa Nasugbu Batangas bukas." Outing? Such an interesting word! Medyo nagsasawa na rin kasi ako sa kakalangoy sa pool namin. Gusto ko naman ma try ang dagat. At syempre, walang ibang magandang pag swimmingan kung di ang Batangas lalo na't pwede rin kaming mag surf magto tropa. Kaya naman, habang nagkakape ako ay nag chat na ako kay James na pumapayag akong sumama sa outing. Kasama rin pala ang lima naming mga tropa at pamilya ni James. Ayos na ayos na ang lahat, bibili na lang ako ng mga makakain at iba pang babauinin ko para hindi na ako manghihingi sa kanila. ------------------------ ------------------------ AUDREY POV Kahit ngayong sa hapag kainan, yakap yakap ko pa rin si Ninong George. Gusto kong ipadama sa kanya na sobra ko siyang na miss at ayaw ko siyang pakawalan. Bukod rito, ay mayroon pa akong isang hiling sa kanya since hindi kami nagkita nitong tatlong araw. At pagkatapos naming kumaing dalawa, dito na ako nagsalita sa kanya. "Ninong," sambit ko habang nakatingala ako sa kanya, "Pwede po ba akong humingi ng favor sa inyo?" Napatigil siya sa pagkain at lumingon sa akin ng nakangiti, "Sure! Basta kapag kaya kong ibigay, pwede naman!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD