Lalaine
Sa dumaang mga araw mula nang ma ospital ako’y pinagbawalan na akong gumamit ng maaring makasama raw sa akin. Inalis ni Ralph ang lahat ng telebisyon sa bahay, pati radyo ng mga kasambahay namin ay ipinagbabawal din ni Ralph. Bawal din gumamit ng cellphone at damay din ng lahat. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong preso na walang kalayaan.
Nauunawaan ko naman si Ralph. Gusto niya lang protektahan ako’t kalimutan ang nangyari. Subalit pakiramdam ko’y wala akong silbi at wala akong kwenta. Tandang-tanda ko pa ang komprontasyon naming dalawa matapos ako harangin ng mga reporters.
FLASHBACK
“Ralph, bakit kailangan mong itago sa akin ang lahat ng ‘to?”
“I didn’t mean to do it, but I have to. Ang sabi ng doktor bawal kang ma-stress, gaya ng ginagawa mo ngayon?”
“Paano na ang pangalan na iniingatan mo? Ralph, hindi ka man lang ba nababahala na baka nakakaapekto ito sa candidacy mo?”
“I don’t care about my candidacy. All I care about is you. Ikaw lang ang mahalaga sa akin ngayon, ang pamilya natin, anak natin. Balewala sa akin ang lahat ng meron ako ngayon, kasikatan, pera kung ang kapalit naman nito ay ang pagkawala n’yo sa buhay ko.”
End of flashback
Doon ko napatunayan na hindi lang pala ako nagsasakripisyo. Ibang-ibang Ralph ang natunghayan ko nang mga oras na iyon. Ang Ralph na handang isakripisyo ang lahat pati ng pinaghirapan niyang pamilya at reputasyon ay nakahandang ipagpalit para lamang sa akin. Litong-lito na ako kung anu ba ang dapat kong gawin? Naiipit ako sa dalawang nag-uumpugang bato.
Dalawang mahihinang katok ang nagpabalik sa akin sa katinuan. “Pasok.”
“Mom, can I talk to you,” si Rafael.
“Oo naman anak, halika. May problema ba?” Naupo sa aking tabi si Rafael.
“It’s about Mika,” nahihiya niyang sambit.
“Mika? ‘Yan ba ang girlfriend mo?” Tango lang ang sinagot niya sa ‘kin.
“Bakit ano ang tungkol sa kaniya na kailangan ma-tense ka ng ganyan?” mahinahon kong tanong habang hawak-hawak ang buhok niya’t panaka-naka ko itong hinahaplos.
“Binatang-binata na ang anak ko, parang kailan lang baby ka pa. Ngayon, namomoblema ka na tungkol sa babae. Nagseselos tuloy ako.” Gusto ko lang maglambing at magkunwaring maayos lang ang lahat sa akin.
“Mommy naman, I am not a baby anymore. Infact pwede na akong gumawa ng baby,” pahapyaw niyang sabi na nagpatigil sa akin.
Natigilan ako’t napatitig sa aking anak. Pansin ko ang balisa niyang itsura na nagpakaba ng sobra sa akin.
“Mom, I have something to tell you and Dad,” deteminado nitong pag-amin habang hawak niya ng mahigpit ang aking mga kamay.
“Ano ba ang dapat mong sabihin–”
“Mika is pregnant! And I am the father.”
Ilang minuto akong hindi nakakibo sa ipinagtapat sa akin ni Rafael. "Mom, I know I've made a mistake, and I'm truly sorry. But I love Mika and I'm committed to her. Please help me tell Dad."
Niyakap ko na lamang si Rafael habang hinahaplos ang kaniyang likuran. “It’s okay anak. Huwag kang mag-alala. Ipapaliwanag ko sa Daddy mo.”
“Thank you, Mommy. I love you so much. You’re the best Mom, kayo ni Dad.”
Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng aking mga luha. Kung sana’y may lakas loob akong sabihin sa aking anak ang tungkol sa totoong ama niya’y mababawasan sana ang bigat sa aking dibdib.
“Lahat gagawin ko para sa ‘yo anak.” Marahil masyado pang maaga para sa obligasyon si Rafael. Subalit natutuwa pa rin ako’t sa edad niyang ito’y may paninindigan na siya. Hindi ko tuloy maiwasan isipin ang mga nangyari sa amin ni Jerome noon. Noong mga panahong handa na sana kaming magsama na dalawa.
Kinagabihan ay sinabi ko kaagad kay Ralph ang dinudulong sa akin ni Rafael. At gaya ng inaasahan ko’y malugod itong tinanggap ni Ralph.
“Thanks Dad, don’t worry, aalagaan ko ang mag-ina ko.” Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko si Ralph at Rafeal. Hindi ko mapigilan na isipin kung ano kaya ang mararamdam ko kung si Jerome ngayon ang kayakap ng aking anak. Ayaw ko man itong isipin ay hindi pa rin siya mawala-wala sa sistema ko. Para siyang virus na kahit burahin mo at i-reset ay naroon pa rin. Babalik at babalik pa rin upang patuloy kang sirain at ‘di na mapakinabangan. Gaya na lamang ng nararamdaman ko ngayon, unti-unti na akong nasisira at hindi ko alam kung makakabangon pa ba ako.
Lumipas ang isang buwan, bumalik sa normal ang lahat. Isang araw nagising na lang akong tila wala ng bakas na nangyari sa nagdaang buwan. Ibinalik ang mga gamit na ipinagbabawal ni Ralph. Pati na rin ang cellphone ko’y hawak ko na rin. At ang mas ipinagtataka ko’y wala ng ni isang bakas sa internet ang kontrobersyal na naganap sa akin. Lahat ng issue tungkol sa akin ay parang mahika na tuluyang nabura. Ganoon kalakas ang impluwensya ni Ralph. Kung noon ay siyang kinatatakutan ko’y kabaliktaran nito ngayon. Ang isa pang pinagpasalamat ko ay ang hindi na pagtawag at panggugulo ni Jerome. Na siyang mas kinatatakutan ko.
“Thank you, Mom, Dad. I love you.”
Walang pagsidlan ang kaligayahan ang nakikita ko kay Rafael. Ang buong akala niya’y mahihirapan tanggapin ni Ralph ang ipinagtapat niya sa akin. Pero heto kami’t handang-handa na sa pagpunta at pagbisita sa magulang ng kasintahan niyang si Mika. Hindi pa ito pormal na pamamanhikan pero isa itong assurance na hindi tatakasan ng aming anak si Mika at sisiguraduhin na magpapakasal ang dalawa sa takdang panahon.
Binaybay namin ang daan papuntang norte kung saan nakatira ang mga magulang ni Mika. Inaasahan ng pamilya niya ang aming pagdating ngayong hapunan. Huminto ang aming sinasakyan kasama ng mga bodyguards ni Ralph sa isang modernong bahay. Sa labas pa lang makikita na ang karangyaan ng pamilyang nakatira.
Binagbuksan kami ng gate, habang panay ang bati ng mga bantay at ipa pang kasambahay na nag-abang sa amin.
“Good evening po, Senator Ellis at Mrs. Ellis.” Isang pamilyar na boses ang unang bumati sa amin pagkababa ng sasakyan.
“Good evening po, hi babe,” bungad naman ni Mika bago kami bigyan ng tig-isang halik sa pisngi. Subalit wala kay Mika ang aking atensyon, kundi nasa katabi niya na siyang unang bumati sa amin.
“Mister Molly?” mahinang bulong ko. Oo, ang taong ito ay walang iba kundi si Mr. Molly, ang butler at kanan kamay ni Ralph noon.
Nagkatinginan kami ni Ralph. Maski siya’y bakas din sa mukha ang pagkagulat. Hinawakan ko ang kamay ni Ralph upang siya’y pakalmahin. Senenyasan ko siya na huwag nang ituloy ang anumang nasa isip alang-alang kay Rafael.
Kaya’t ibinaling ko na lamang ang aking paningin kay Rafael na mukhang hindi nababakasan ng pagkagulat. Nagtataka ko siyang tiningnan. Mukhang nakuha naman nito ang ibig kong sabihin kaya’t lumapit ito sa akin at bumulong. “Ipapaliwanag ko po sa bahay. Sorry I forgot to tell you.”
Mabilisang tango na nangangahulugan na naiintindihan ko. Inalalayan kaming papasok ni Mr. Molly upang ihatid sa magarbong function sa loob ng kanilang mansyon. Isa itong open space na pabilog na napapalibutan ng samot-saring magagandang bulaklak.
“Ang ganda ng mga bulaklak,” puri ko sa nakapaligid sa amin.
“Thank you po Ma’am. Paborito po kasi ni Inay at ng Papa ang mga bulaklak.”
Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko kay Mika. Parang may mali kasi sa sinabi niya na hindi ko matukoy.
“Pasensya na po kayo, naging abala kasi ako sa pagluluto.” Boses ng babae ang nagpalingon sa amin. Kung titingnan mo siya’y hindi maipagkakailang mas bata pa ito o kasing edad ko lamang siya. Simple lang ganda niya na kahit walang kolorete sa mukha’y nangingibabaw pa rin ang natural niyang ganda.
“Oo nga po pala. Siya po ang nanay ko,” pakilala ni Mika sa amin. Bago pa man kami makasagot ay lumapit na si Rafael upang magmano sa ina ni Mika.
“Good evening, po, Tita.”
“Magandang gabi rin,” sagot niya kay Rafael bago binaling muli sa amin ang atensyon niya.
“Pasensya na at hindi na ako nakapag-ayos. Parating na rin si Christopher, naging busy kasi siya sa bagong business na binuksan.,” mahabang turan niya.
“We understand,” si Ralph.
“Ayos lang?”
“Ay oo nga pala. Pasensya na at ‘di ko pa napapakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Mildred at anak ko si Mika.”
“Nice to meet you, Mildred, ako nga pala si Lalaine at ito ang asawa ko si—”
“Si Senator Ralph Ellis. Kilalang-killala ko na kayo… ang ibig kong sabihin palagi ko kayong nakikita sa telebisyon.”
“Nay, nakakahiya sa magulang ni Rafael, baka ano isipin nila,” saway ng nahihiyang si Mika habang katabi si Rafael na nakangiti lang.
“Naku! Wala naman masama sa sinabi ng nanay mo. Infact totoo naman na laman kami ng balita,” sagot ko.
Tahimik lamang si Ralph. Pag nililingon ko’y tipid na ngiti lang ang sinasagot niya sa akin. Panay ang kwento ni Mildred tungkol sa anak at kung kailan niya nakilala si Rafael. Sinasabi rin ni Mika na hindi niya alam na anak pala ng senador ang boyfriend niya.
Nakahanda na ang lahat ng pagkain subalit wala pa rin ang tatay ni Mika. “Papa, kanina pa po kami naghihintay sa inyo,” kausap ng dalaga sa ama sa telepono. “Sige po, sasabihin ko. Bilisan n’yo po. Nakakahiya sa mga magulang ni Rafael.”
Pinatay niya ang tawag. “Ano sabi ng Papa mo?” tanong ni Mildred sa anak.
“Malapit na raw po siya Nay. Pasensya na ho kayo Ma’am, Senator may sakit po kasi ang papa ko.”
“What do you mean? May sakit si Tito?” nag-aalalang tanong ni Rafael sa kasintahan.
Natawa naman si Mika at mamya-maya’y binawi rin nito. “Mali, hindi naman malubhang sakit. Sakit lang sa pagiging workaholic niya, alam n’yo na po.”
Sabay-sabay kaming nagtawan sa pabirong iyon ni Mika hanggang sa maagaw ang aming atensyon ng baritonong boses ng isang lalaki na pamilyar sa akin.
“Sorry for the wait and being late. Kanina pa ba kayo naghihintay?”
“Papa, bawas-bawasan n’yo po kasi ang kakatrabaho,” salubong ni Mika.
Lumapit din si Rafael upang magmano “Mano po, nga po pala Tito Christopher I’d like you to meet my parents, Senator Ralph Ellis and my Mom Lalaine.”
Pakiramdam ko’y nakatayo ako sa isang kumunoy na unti-unting lumulubog. Hindi ako makakilos at lalong hindi ako makapagsalita sa taong kaharap namin ngayon. Paano siyang naging si Christopher? Gayong alam na alam ko naman na siya ang ama ni Rafael at ang lalaking patuloy na gumugulo sa buong pagkatao ko, si Jerome.
"Mr. and Mrs. Ellis, it's good to meet you finally. I'm Mika's father."
A/N: Sabi ko nga every weekend Saturday or Sunday, depende kong wala akong lakad. Salamat po sa patuloy na nagbabasa. don't forget to leave a comment. Nakkatulong ito sa para ganahan ako sa pagsusulat. Love yah.