Kinabukasan, excited si Chino sa pagkikita nila ni Althea sa Dreame Cafe. Umaga pa lang ay tila gusto na niyang hilahin ang oras at maging ala-sinko na agad nang hapon, para makita na niya agad si Althea. Kaya naman pagsapit nang hapon ay parang may pakpak ang kaniyang mga paa na naglakad patungo sa Dreame Cafe. Malapit lang naman kasi iyon sa kanilang school kaya mabilis lang siyang makakarating doon. Nang nasa labas na siya ng cafe ay inayos muna niya ang kaniyang uniform, bago pumasok sa cafe. Sakto lang ang dating niya dahil maaga pa siya nang sampung minuto sa usapan nila ng dalaga. Nasa tawid kalsada lang ng St. Therese Colleges ang Dreame Cafe. Pagpasok niya sa kulay ubeng cafe, kung saan makikita ang mga cute na pinaghalong puti at ubeng kulay ng mga upuan at mesa, agad siyang

