ZACHARY'S SNEDDON'S POINT OF VIEW Labis nang kumakabog ang aking dibdib, kabog na dala ng kaba. Nais ko lang naman si Geanne, nais ko lang naman siyang makasama hanggang sa pagtanda, sinubukan ko lang namang magkatotoo ang pagnanais na iyon, subalit bakit sa ganito humantong? Paano kung napaano siya? Hindi ko mapapatawad ang aking sarili! "Miko, let's go to the mansion." Malamig kong utos habang marahang nakakagat ang aking labi dahil nga sa kaba na aking dala-dala. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Wala akong pakealam kung magalit man sila Dad sa akin. "Sa mansion po?" Taas-kilay na tanong ni Miko na may halong pagtataka. I know what runs into his min right now. "Oo." "Pero Boss, bawal na po ang iyong presensya sa loob ng mansion. Iyon ang kabili-bilinan ni Don Ramon sa amin." "Si

