Nagtatanong ang mga mata ko nang nagkatinginan kami ni Rustov. Hindi ko alam anong ibig sabihin niya roon. From the side, I saw Tita Lily's stare. Kung hindi lang kami nakarinig ng panibagong boses ay siguro natusta na ako sa inuupuan. "Oh, late na nga talaga ako!" Tumingin ako kay Kirk na papalapit. Humalik siya sa pisngi ni Tita Lily at binati si Rustov. "Hijo, mabuti at nakarating ka na! Settle down so you can join us," si Tita Lily. Tumawa si Kirk at naupo sa tabi ko. "Masaya akong nahuli niyo na ang sindikato, Attorney. Now we don't have to worry about Audrey and Zach's safety. Thank you." "It's my job," si Rustov at sumulyap sa akin. I raised a brow, silently asking what are those glances for. Kumibot ang kilay niya, may panghahamon sa mga mata. Pero para saan? "I have somet

