Chapter 6

3088 Words
Malinis ang loob ng bahay, iyon ang una kong napuna. The furnitures are made of wood, mostly. May iilang picture frames na nakasabit sa dingding. Naroon din ang mga awards ni Rustov mula pa ng elementary. He is really excellent when it comes to academics. Hindi ko nga alam paano niya napagsasabay ang acads at sports. He was into basketball during high school. Nasubaybayan ko ang mga laro niya dahil palaging nanonood si Janice at palagi ako nitong sinasama. Magaling siya kaya kalaunan sa senior high, naging team captain. Samantalang sa college, rugby football na ang nilaro. Minsan na lang kami makapanood dahil sa klase. And based on what I have seen, he's really good at it. Napagtanto kong ang dami pala naming pinagkaiba bukod sa estado. Hindi ako aktibo sa kahit anong sports. I am not in the honor roll, either. And thinking of it now, I realized ang tanging lamang ko lang sa kanya ay yaman. Ang dami kong kulang. If I don't have my parents' money, I have nothing, no one would bother respect me. While him... he don't need money to be respected. He don't need the status. Because they know his capabilities. "Dito ka muna," Rustov said. Nilingon ko siya. Ang naabutan ko lang ay ang paglalakad niya paakyat sa hagdanan. Luminga-linga ako sa salas. Mayroon doong sofa set na mukhang luma na rin. Malinis naman tingnan kaya naupo na ako. Napatitig ako sa paligid. I'm not really particular about places. Their house isn't dirty or unorganized. Medyo iba lang talaga sa nakasanayan ko. Napatingin ako sa frames. Mayroon siyang picture noong bata pa. There was one that he was alone, another with his mother. Iyong iba ay mas recent. Pagkagraduate niya sa senior high. Mayroon din noong pagkapanalo nila sa inter-high sa basketball. Iyon yata ang huli. Hindi nagtagal si Rustov sa itaas. Pagbalik niya, bagong bihis na siya. Agad kong nakita ang hawak niyang pink na panyo. "Here," he handed it to me. Napangiti ako nang makita ang "Audrey E." na nakaburda roon. Thank God I found it. "Thanks." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He is sitting across me. Nagtagal ang titig niya sa'kin. "You waited for three hours for that. Hindi mo na ipinagpabukas. Ganoon ba talaga iyan ka-importante?" "Let's say it has a sentimental value to me." Tumango siya. I folded the handkerchief and put it inside my sling bag. "Anyway, kayo lang ba rito ng Mama mo?" "May nakikita ka bang iba?" sarkastiko niyang tanong. "Ibang nakatira rito, ganoon. Don't be too sarcastic. Bakit ba ang suplado mo? That's not healthy, you know." I chuckled. "Nagmula pa talaga 'yan sa'yo, huh?" Well... oo nga naman. Madalas talaga akong suplada sa karamihan. Pero deserve naman nila iyon! They have prejudices of me that I don't like. Dahil ba masakit akong magsalita at madalas nakikipag-away, napakasama ko ng tao? Besides, what's the use of treating them fairly when I know how bad they are talking about me behind my back? Isa pa ang pinagmulan niyang tsismis na super suplada ko raw. Iyong pambabasted ko sa kahit sinong manligaw. Ni hindi ko raw kinakausap ng maayos at basta na lang basted. Why? Hindi ba puwedeng ayaw ko lang makipagrelasyon? Do I need to be nice and all when I'm going to break their hearts anyway? "How's your hand?" sabay baba ng tingin sa kanyang kamay na may bandage pa rin. Mine is not that big, kaya medyo okay na. "Nakokonsensya ka?" Umirap ako. "You should have told the principal about it. Tatanggapin ko naman ang parusa. You think I need the saving?" "Hindi mo naman talaga sinadya na ako ang matamaan, hindi ba? I didn't lie at all." My eyes narrowed. Magtatanong pa sana nang mamataan ang paglabas ng Mama niya mula sa kusina. May dala itong dalawang platito. "Rustov, kunin mo iyong juice," utos nito. Nilapag ni Tita Gracia ang platito sa maliit na lamesa. She smiled at me politely. She's beautiful, I admit. Kahit may edad na ay alam mong maganda talaga ang lahi. Though, her features are so soft. Hindi ko makita sa kanya si Rustov. Maybe he inherited all of that from the Melgarejos? "Nagluluto ako kanina ng merienda para sa pagdating ni Rustov. Tinapos ko na lang." Bumaba ang tingin ko doon sa merienda. Pira-piraso iyon na sigurado akong pinirito. But I can't say if it's kamote or banana. Kalaunan, natanto kong hindi nga iyon saging. Pero mukha rin iyong hindi kamote. Patatas ba? "Ah, kamoteng kahoy iyan, hija. Kumakain ka ba ng ganyan?" Nag-angat ako ng tingin. Kalalabas lang ni Rustov mula kusina. May pitsel siyang dala at mga baso. He sat beside his mother. "Ano po? Kamoteng... what?" Tita Gracia laughed. "Hindi mo alam kung anong kamoteng kahoy?" Rustov asked. Ang unang baso na sinalinan niya ay nilapit sa akin. It's not mango flavor. "Uh... alam ko ang kamote, but..." Naabutan ko ang titig ni Rustov kaya nag-init ang pisngi ko. Sandali kong nakita ang multo ng ngiti sa labi niya na hindi ko alam kong nanliliit ba o namamangha. Embarrassed of my ignorance, kinuha ko ang tinidor at nagsimulang kumain. After a few bites, I realized it's really not sweet potato. Iba kasi ang lasa nito sa kamote. At masarap nga talaga iyon. "Masarap ba?" natatawang tanong ni Tita. Covering my mouth with my hand, I nodded at her while chewing. Hindi ko alam kung dahil ba bago iyon sa panlasa ko kaya agad kong nagustuhan. At home, ang madalas na merienda ko ay cupcakes, pancakes at iba't ibang mga pastries. But certainly not this kind. "Slow down, Audrey," si Rustov. "I'm sorry... it's just good." I chuckled. "Mabuti naman at nagustuhan mo," si Tita. "Hindi kasi nagluluto sa amin ng ganito. I will tell our cook to prepare me like this next time. Ang sarap niyo palang magluto." "Simple lang naman 'yan at madaling lutuin." Kaya naman pagkauwi ko, kaagad kong sinabi kay Ate Delia ang natuklasan. Proud kong sinabi na nakakain ako ng piniritong kamoteng kahoy. It was like a sort of achievement for me. Nakakain na raw siya ng ganoon kaso hindi ako naisip lutuan kailanman dahil akala niya hindi ko magugustuhan. Mommy always prefer classy foods, she thought we have the same preference. Bakit ba lahat na lang iniisip na marami kaming pagkakatulad ni Mommy? Lalo ko lang tuloy gustong maging iba sa kanya. "Ano? Alin ba talaga rito ang title natin?" si Miles nang magkausap tungkol sa research. "Lahat naman 'yan approved na ni Miss Cruz. But I suggest, mas okay iyong pangalawa since mas accessible ang respondents. Hindi na tayo mahihirapan pa," sabi ko. "I agree with Audrey," si Mitch. "Okay. Gagawan ko 'to ng SOP mamaya," si Allan na siyang leader ng grupo. "Tapos na ba? Alis na tayo, Drey," si Janice na kanina pa yata wala sa pinag-uusapan ang utak. I signaled her to silence. "We already have our title. Okay na muna 'to sa ngayon," si Allan. Naunang tumayo si Janice. Sa sobrang atat niya ay hinila niya ako patayo nang matagalan. I cursed her when some of my things almost fell from my bag. Tinawanan lang niya ako. "Wala na tayong klase, Janice. Bakit ka ba nagmamadali?" "Nakalimutan mo na ba? Laro ngayon ng football sa college. Kalaban nila ang Albeda." "Oh, don't tell me your recent crush is a college guy from Albeda?" "Ano ka ba! Hindi! Iyong bagong kasama nila Kuya Rustov ang gusto ko. Si Ramsey. The first year Accounting student, remember?" "I'm hungry. Punta muna tayo sa cafeteria?" "At ngayon ka pa talaga nagutom, ano?" she said sarcastically. Ngumisi ako. Nga lang, kahit pa nagmadali kami sa pagbili ng pagkain ay wala na kaming maupuan na malapit. Kaya nakisiksik na lang kami roon sa malayong bleachers. Marami kasi ang audience dahil dumayo pa ang mga taga Albeda para suportahan ang team nila. "Pareho lang naman ang mga mukha ng mga maglalaro sa Albeda. Duda ko, tayo pa rin ang mananalo ngayon," mula sa usapan sa likod. "Siyempre magkasama sina Genesis at iyong Melgarejo. Talagang mananalo 'yan." Mula sa dagat ng mga tao, lumipad ang tingin ko sa jersey ng school namin. My eyes scanned the players briefly. Halos pamilyar na sa akin ang lahat ng nandoon. Our players are good. May mga times nga lang na natatalo ng ibang school. But in this case, with what I saw on their scores, I know they would win. "Ang galing ni Ramsey!" si Janice. "Kita mo?" "I didn't see it," bored kong sabi. "Baka kasi sa ibang team ka nakatingin!" Nagpatuloy ako sa pagkain ng fries. Si Janice ay todo ang cheer sa crush niya kahit nasasapawan naman ang boses. Kalaunan nang medyo napapaos na, kinausap na niya ako tungkol sa mga guwapo sa kabilang team. Hindi ko nga lang nasabayan dahil nainis ako nang makita ang kapatid ni Klyde doon. Kirk is just two years older, sinubukan na rin niya akong ligawan noon. I don't like his reputation even before. Ngayon, naiinis na ako sa kanya dahil naaalala ko si Klyde. Halos magkamukha kasi sila. "Uy, magaling din pala si Kirk sa ganito!" I glared at my friend. "Pasikat lang 'yan. Steve Genesis is the real star player," I pointed out. "Magaling din naman si Kuya Rustov, ah? Siguro crush mo si Steve kaya mo pinupuri!" Medyo malakas ang pagkakasabi ni Janice sa bandang huli kaya napatingin sa amin ang mga schoolmates na nakapaligid. It was like they heard something shocking. Nang sinamaan ko sila ng tingin ay agad ibinalik ang mga mata sa field. Pinandilatan ko ang kaibigan. "Dahil lang pinuri, crush na agad? Why, can't I admire anyone like ordinary people do?" "Girl, 'di ka ordinary. Wala ka pang kahit sinong nagustuhan, remember? As in iyong tipong matatawag mong crush. You don't even want to consider courtships. Normal pa 'yan?" Kinuha ko ang cellphone at itinext si Kuya Edu, binalewala na ang patapos na laro. Sa cheer pa lang ng crowd, hindi ko na kailangan pang tingnan ang scores. "Uuwi ka na pagkatapos?" tanong ko kay Janice. "Oo. Nagtext na ako sa driver namin. Pero babati muna tayo kina Ramsey," magiliw niyang sabi na para bang pati ako gusto iyon. Nagsialiasan na ang mga tao. May ibang nanatili at lumapit sa mismong field para batiin ang mga nanalo. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag nang hatakin ni Janice. May nabangga pa siya at mukhang aalma, ngunit nang makita ako ay agad na umatras. I looked at the surroundings. Everyone is busy. Pawisan ang mga players at medyo nagkatuwaan pa. Some of the Albeda players even congratulated them. Nagkataon na namataan ako ni Kirk. He waved and called my name loudly, kaya napatingin ang karamihan sa'kin. Mabuti na lang at sinamantala iyon ni Janice para kunin ang atensiyon ng pinsan. Nagpupunas si Rustov ng pawis nang lapitan kami. His eyes drifted to his cousin, then to me, which took a bit longer than necessary. "Congrats sa inyo, Kuya! Galing mo!" "Thanks, Janice." "Nagbunga ang pagpapractice niyo, ah!" Binati rin ni Janice ang iba pang kakilala na naroon sa team. I didn't bother congratulating any of them. Pinanood ko lang si Janice na batiin halos lahat doon hanggang sa nabati niya si Ramsey. Their conversation took a bit longer than how she congratulated the others. Sandali kong tiningnan ang phone nang makatanggap ng text. Kay Kuya Edu lang pala galing, sinasabing naroon na siya sa labas. Nang mag-angat ako ng tingin ay medyo nagulat nang naroon si Rustov sa tabi ko, he was drinking on a mineral bottle. "May lakad kayo ni Janice?" he asked casually. Umiling ako. "Uuwi na kami after this." "Mabuti naman. Her parents are strict. Ayaw noong gumagala siya kung saan-saan." Pinilig ko ang ulo at tiningnan siya ng maigi. Pinasadahan niya ang mamasa-masang buhok dahil sa pawis. He looked at me darkly. "Bakit? Akala mo ba dinadamay ko si Janice sa paggagala ko? You think I will influence her to do the things I'm doing?" I was offended, really. Alam kong hindi gaya ko, hindi umiinom si Janice at hindi umaalis ng bahay tuwing gabi. Pero ni minsan hindi ko siya inayang gawin ang mga bagay na 'yon para lang sa akin. Ni hindi ko nga sinasabi sa kanya kung may mga ganoong lakad ako dahil alam kong mag-aalala lang siya. "Pinapaalala ko lang, Audrey." "Right. But don't worry, I'm not that kind of friend. Isa pa, I can always have solo flights." He sighed deeply, eyes were critical. "Hindi rin mabuti sa'yo ang ganoon." Bahagya akong tumawa. "You sound like Ate." Namataan ko ulit si Kirk sa kabilang team na kumakaway. Mukhang naghahanda na rin yata sila para umalis. Napairap ako nang maglakad siya palapit. How dare he smile at me like that as if he's brother isn't an asshole! "Palapit dito. Boyfriend mo?" si Rustov na napansin din ang nakita ko. "You think I'll have this expression if that's the case?" I pointed my face. Hindi na siya nakasagot pa dahil tuluyan ng nakalapit si Kirk. Bahagya siyang umatras pero ang mga mata ay nasa amin. "Kumusta ka na? Bibisita ka kina Kuya anytime soon? Dahil kung oo, sasabay na lang ako." The nerve of this guy. Sa inis ko ay gusto kong kalmutin ang mukha niya. Wala ba siyang alam sa nangyayari kina Ate at ganyan siya kakaswal? Though, tingin ko wala lang sa kanya kahit malaman pa niya. He's a playboy. Just like his damn brother. "Your brother cheated. Hindi mo alam?" Umawang ang bibig niya. Hindi nakakibo. "O, ba't ka pa nagulat? Ganoon din naman ang gawain mo, for sure." His expression became serious. "I don't cheat, Audrey," he said. "Look, wala akong alam sa nangyayari kina Kuya. Maybe I could talk to him. Okay lang ba si Ate?" Sinipat ko si Rustov. He wasn't looking at us now but I'm sure he can hear us. Hindi kasi siya gaanong lumayo. Lumampas ang tingin ko patungo kay Janice. She's still talking with Ramsey kaya ibinalik ko ang tingin sa kausap. "Let's talk outside." Kirk nodded. "Magbibihis lang ako." Bumaling ako kay Rustov. Three college girls went to him so I stepped aside. Saglit na batian ang naganap. Nang matapos sila, doon pa lang ako lumapit ulit kay Rustov. "Pakisabi kay Janice na nauna na ako." He turned his head slowly to me. He licked his lower lip and craned his neck. "Okay. Sasabihin ko..." he trailed off like he wanted to say more. Naghintay ako pero hindi naman niya dinugtungan, so I talked. "Thanks." Tumalikod na ako at naglakad palabas ng field. Since I have Kirk's number, I texted him when I'm already outside. Sandali ko siyang hinintay. Nakapagbihis na siya nang lumabas. "Gusto mo bang kumain muna? May cafe na malapit," he said. "Hindi na. Gusto ko lang naman sabihin na huwag mo muna itong ipagsabi sa parents mo, lalo na kay Ate. She's pregnant, Kirk. Maselan kapag nagbubuntis kaya ayaw ko siyang mastress. If you want to talk with your brother, please have it in private." Hindi siya nakapagsalita kaagad. Ngunit kalaunan ay tumango rin. "I'm sorry about Kuya. Kakausapin ko siya, but I won't promise to change his mind about this." "Hindi na kailangan. After Ate gives birth, I'll tell her. Gusto kong hiwalayan niya ang kuya mo, Kirk. Sinira lang niya ang Ate ko." "I'm really sorry, Audrey." Hindi ko alam kung anong sasabibin kay Ate nang tumawag siya kinagabihan. She asked me if I was doing well, at ni hindi ko man lang siya magawang tanungin kung okay lang siya sa sobrang guilt. Am I right for keeping her in the dark even it's for own sake? Hanggang sa mag-semestral break ay bumagabag iyon sa isip ko. Mommy was out of the town during the whole break. Ang sabi, may aasikasuhin daw siya para sa negosyo. Totoo man iyon o hindi ay hindi ko na inisip. Hindi ako nag-out of town sa two weeks na walang klase. Mommy told me to have an eye on the factory operations. At fifteen, kabisado ko na ang lahat ng kalakaran doon kaya pinagkakatiwalaan niya ako kapag wala siya. Aside from that, she would always say it's for my training, dahil ako naman daw ang magmamana ng lahat in the future. Nga lang, hindi ko mapigilang mainis tuwing hindi niya nababanggit si Ate Diana sa mga plano niya pero hindi na lang ako nagsasalita. "Audrey, dumating na ang mga bagong supply ng katad. Hindi ba titingnan mo iyon?" si Ate Dulce na siyang kanang kamay ni Mommy dito sa aming shoe factory. Bumuntong hininga ako at binitawan ang binabasang financial statements. Ngayon nga pala ang dating ng supply ng leather para sa susunod na buwan. Inayos ko ang suot bago lumabas ng opisina. Ang mga nag-uusap na empleyado sa labas ay agad na natigil nang mamataan ako. Kapag nasa pabrika, maayos ang suot ko at medyo pormal kaya madalas, napagkakamalan akong mas matanda sa edad. No one questioned my authority even with my age, though. Alam halos ng lahat na bata pa lang ako ay pinaalam na sa akin ng mga magulang ang mga ginagawa roon. We have other factories in other towns and cities, na regular din naming binibisita. Pero itong sa Vida Riqueza ang pinakamalaki at ang sentro. May mga tauhan kami sa labas, sa harap ng isang malaking truck. Hindi pa dinidiskarga ang mga katad dahil ichecheck pa. Iyon kasi ang bilin ni Mommy. "Si Orio?" I asked Ate Dulce. Bago pa man masagot ang tanong ko, nakita ko na ang lumabas sa front seat ng truck. Hindi ako nakakibo agad dahil hindi ko akala na siya ang dadating. "Akala ko ba si Orio ang maghahatid?" tanong ko kay Rustov, referring to his half-brother. Ang kompanya ng mga Melgarejo sa Manila ang nagsu-supply sa amin ng katad. Mommy has strong connections with them, kaya hindi lang basta tauhan ang naghahatid ng supply. Besides, may pinag-uusapan din kasi na mga teknikal. Si Orio o 'di kaya ang sekretarya ng Papa niya ang madalas maghatid. I don't know why it's Rustov this time when he doesn't even involve himself on Melgarejos' transactions. "May ginagawa si Orio kaya humingi ng pabor," he said, staring at me deeply. I stared at him when the soft rays of the sun hit a side of his face. Nadepina ang matangos niyang ilong at naka-anggulong panga. His pitch black eyes seemed like blazing now. At pakiramdam ko, kapag nagtagal ang tingin ko roon, I will be burned by his flames.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD