MICHAEL'S POV
Madaling lumipas ang araw at ang mga sugat ni Tiffany ay hilom na. Kaya naka schedule na itong operahan ang mukha at ilang bahagi ng kanyang katawan mamaya.
Tumingin ako sa natutulog kong kasintahan. "Tiffany, malapit ka na uling gumanda." bulong ko sa kanya.
"Michael, salamat nga pala sa tulong mo para kay Tiffany." sabi sa akin ng mga magulang ni Tiffany.
"Tita, Tito, mahal na mahal ko po ang anak ninyo. Kaya ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kanya.
Mahirap lang ang pamilya nila Tiffany kaya ako na ang umako sa lahat ng gastos.
Hindi nagtagal ay dumating na ang mga nurse upang dalhin si Tiffany sa operating room. "Dadalhin na po muna namin ang pasyente." sabi ng isang nurse na walang ginawa kung hindi ang magpapansin sà akin.
Nagtagis ang pangà ko ng hindi man lang nito ayusin ang swero ni Tiffany. "Nurse, kung hindi mo kayang gawin ng maayos ang trabaho mo. Mag resign ka na ngayon din." seryosong sabi ko.
Bigla akong tinapik sa balikat ng mga kaibigan ko. "Pare, relax." sabi sa akin ni Herwin.
"Sige na, Nurse, dalhin mo na si Tiffany." utos ni Jay sa nurse na agad nitong sinunod.
"Pare, huwag kang masyadong mainit ang ulo." sabi naman ni Ricky.
"Mga Pare, paano hindi ako maha-highblood sa babaeng 'yon. Wala ng ginawa kung hindi ang mag pa charming!" Inis kong tugon sa kanila.
"Pare, gwapo ka kasi. Natural na may humanga sa'yo." Natatawang sabi ni Jay.
Habang nasa operating room si Tiffany ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang magdasal na maging successful ang operasyon na ginagawa sa kanya.
"Pare, huwag kang mag-alala. Magiging ayos din ang lahat." Sabi no Ricky sa akin.
"Sana nga, Pare, bumalik ang dati niyang ganda." Sabi ko na my halong kaba.
"Pare, magagaling ang doctor na nag-oopera sa mukha ni Tiffany. Magtiwala ka lang." Sabi naman ni Herwin sa akin.
"Pare, sana pagkatapos ng operasyon ni Tiffany, magising na siya." sabi ko sa basag kong boses dahil hindi parin ako makapaniwala sa sinapit ng babaeng mahal ko.
Lumipas ang oras ay hindi parin inilalabas sa operating room si Tiffany.
"Mga Pare, bakit naman ang tagal-tagal nila." daing ko.
"Pare, matatagalan talaga. Dahil buong katawan at mukha ni Tiffany ang ginagawa nila." Seryosong sabi ni Jay sa akin.
Tumango na lamang ako bilang pag sang-ayon.
Lumipas ang madaming oras ng biglang lumabas ang doctor na nag opera kay Tiffany.
Sinalubong ko ang Doctor, "Doc, kumusta po ang girlfriend ko?" tanong ko na may halong kaba.
Ngumiti sa akin ang doctor, "Well, Mr. Montelivano, successful ang operasyon na ginawa namin sa pasyente. Hihintayin na lamang nating maghilom ang kanyang mga sugat." huminga muna ang doctor bago muling nagsalita. "At may good news ako sa'yo." masayang sabi ng doctor sa akin.
"Ano po 'yon, Doc? Curious kong tanong.
"Well, bago magsimula ang ginawa naming operasyon sa pasyente ay nagising na ito, but" bigla itong nag-isip, "para siyang may Amnesia." pagtatapat ng Doctor.
"Ano pong sinasabi niyo, Doc?" paglilinaw ko.
Huminga muna ito, "Well, Mr. Montelivano, she keep saying that she's not Tiffany." pagtatapat nito sa akin.
Napailing ako, "Babalik pa po kaya ang ala-ala niya?" tanong ko.
"Bumabalik naman ang ala-ala ng may Amnesia. Iyon nga lamang, pwedeng madali o pwede ding matagal." Paliwanag sa akin ng doctor.
"Ganon po ba, Doc?" tanging nasabi ko.
"Yes, Mr. Montelivano. Ang importante, hindi na coma ang pasyente. Pero, pinagtulog ulit namin siya dahil nag hesterical siya ng maalala niya ang pagsabog ng bus." Muling sabi ng doctor sa akin at nagpaalam na ito sa akin at naiwan akong tulala dahil sa aking mga narinig.
Natauhan lang ako ng tinapik ako ni Ricky. "Pare, narinig mo naman ang sabi ng doctor. Ngayon ka mas higit na kailangan ni Tiffany." sabi nito sa akin.
Napalunok ako, "Pare, paano kung hindi niya ako makilala. Tulad ng nangyari kay Pareng Eric, hindi niya tanda ang relasyon nila ni Chantal." Huminga ako. "Hindi ko yata kakayanin, Pare, kapag nangyari yon." malungkot kong saad.
"Pare, kung ako nga gumaling at naalala si Chantal. Ganon din si Tiffany." sabi naman ni Eric.
"Magtiwala ka lang, Pare, sa taas. Magiging maayos din ang lahat." Sabi naman ni Jay.
"Salamat mga Pare, hindi ninyo ako, iniiwan." Tugon ko sa kanila.
Hindi nagtagal ay dinala na sa kwarto si Tiffany, dahil hindi na ito coma ay inilipat na ito sa isang private room na ako mismo ang pumili.
Habang pinagmamasdan ko si Tiffany ay naalala ko ang imbestigasyon na ginagawa nila Eric. "Pareng Eric, may balita na ba kayo? Kung sino ang may kagagawan sa pagsabog ng bus?" tanong ko.
"Pare, ayon sa huling imbestigasyon isang babae ang nagtanim ng bomba sa bus. At ayon na din sa record ng mga sakay nito, tanging si Lynsae Villarreal lang ang hindi napasama sa pagsabog ng bus." Mabilis nitong tugon.
Kilala ko ang tinutukoy nitong si Lynsae, siya ang bestfriend ni Tiffany. Pero anong dahilan niya para gawin ang bagay na ito. "Magbabayad ka Lynsae!" bulong ko sa sarili ko kasabay ng pagtagis ng panga ko.
"Pare, kilala ko ang tinutukoy mo. Bestfriend siya ni Tiffany!" galit kong sabi.
Tumango ito, "Kung gayon, Pare, siya ang number one suspect natin." sabi ni Eric habang parang tangang minamasdan sa cellphone ang larawan ni Chantal.
"Pare, kung gusto mo, hanapin mo muna si Chantal." suhestiyon ko.
"Oo nga, Pareng Eric, para ka ng tanga diyan." Singit naman ni Herwin.
Nagkibit balikat na lamang si Eric, "Mga Pare, alam n'yo naman, na si Chantal lang ang minahal ko." Sabi nito.
"Tulad lang tayo, Pareng Eric, si Kimberly lang ang minahal ko." Singit naman ni Ricky.
"Pareng Ricky, hindi ba talaga nakontak sa inyo si Chantal?" tanong ko Kay Ricky.
"Hindi eh." Tipid nitong tugonna tinanguan ko na lang.
Hindi ko lubos maisip na ako din ay dadaan sa matinding pagsubok ang relasyon, dahil ngayon pa lang ay iniisip ko na kung anong gagawin ko kapag hindi ako tanda ni Tiffany.