"Bakit nandito ka Vanessa? Anong kailangan mo? Nakalimutan mo na ba ang sinasabi kong ayokong pumunta ka pa rito?" "Tita, gusto kong makita si Marcos, hindi na kasi siya nagpapakita sa akin. Marami akong gustong sabihin sa kaniya, kahit ang mga tawag ko ay ayaw nitong sagutin." "Baka natauhan na ang anak ko, at ayaw na niyang makausap ka pa. Sana ay magbago ang isip niya at hindi ka na niya pakasalan pa." nakangiting wika ni Marcela. "Tita, ayaw kitang kalabanin kasi soon ay mommy na rin ang tawag ko sa iyo, kaya hayaan na lang kitang magsalita ng masakit sa akin. Sana balang araw ay magustuhan mo rin ako tulad kay Savanna." turan nito sa matanda habang nakangiti. "Vanessa, mula noon pa man ay mainit na talaga ang dugo ko sa 'yo hindi ko alam ang dahilan, pero hindi naman ako mapi

