Sinungaling ka Marcos, kausap ko si Savanna, pinuntahan ko siya sa hotel nila at proud pa ang malanding iyon na nag-se-s*x kayo! Anong kulang sa akin Marcos? Pinapaligaya naman kita eh. Lahat nang gusto mo ginagawa ko naman 'di ba? Per0 bakit nakipag-s*x ka pa rin sa babaeng iyon! Kulang pa ba ang sakit na ginagawa mo sa akin Marcos? Nasasaktan ako noong akala ko ay patay ka na. Nagluluksa ang puso ko Marcos kasi, ang akala ko ay patay ka na. Pero buhay ka pala, at masaya kasama ang babaeng iyon! At ang masakit pa ay nagkakaroon kayo ng anak. Pero pinilit kong intindihin iyon Marcos dahil nga nagkaamnesia ka, titiis ko ang pangiginsulto sa akin ni Savanna kahit ang sakit-sakit na, pinaglalaban kita sa kaniya. Wala na ako sa sariling sumusugod sa hotel nila upang pakiusapang layuan ka n

