Malalim na ang gabi pero hindi pa rin umuwi si Marcos,. Natutulog na ang mga tao sa mansyon maliban na lang kay Savanna,na pabalik-balik siya nang lakad dahil hindi pa rin umuwi si Marcos, Pumasok sa isip niya na baka hinahanap nito si Marcos, Ilang saglit pa may pumasok na kotse sa gate, kaya nagmamadali siyang bumaba para salubungin si Marcos,l. Pero nagtataka siya dahil nangangamoy alak si Marcos. Tinitigan niya ang mukha nito. "Marcos, lasing ka bakit ka uminom? Kumusta si Enzo? Hindi pa rin ba natagpuan? habang hinahawakan niya ang braso nito dahil natatakot siya na baka matumba. Tinulungan niya si Marcos para umakyat sa hagdanan para hindi ito mahulog. Pagdating nila sa loob ng kuwarto agad niya itong pinahiga. Kumuha siya ng towel at warm water para punasan ito. Tinititigan ni

