"Bumalik si Savanna sa kuwarto niya dahil nahihiya siyang bumaba, iniisip niyang alam ng mga matanda na magkatabi sila ni Marcos matulog kagabi. Pagpasok nito sa loob ay nagulat siya nang maabutan niyang nakaupo si Marcos sa sofa. "Marcos, bakit ka nandito sa kuwarto?" "Savanna bahay namin 'to meron akong karapatan." "Porke't bahay mo ay wala na akong privacy?" "Savanna, may hilingin ako sa iyo. Huwag na huwag mo nang ulitin ang ginagawa mo kagabi. Alam mo bang muntik ka nang ginahasa ni Mateo? Nilagyan niya ng pambalibog ang wine na iniinom mo. Kung nagkataong hindi kita sinusundan ay baka sarap na sarap na siya sa katawan mo." "Marcos, alam ko ang nangyayari kagabi at ikaw ang sarap na sarap sa katawan ko." "Savanna alam mo ang nangyayari kagabi?" nahihiyang tanong nito. "

