Kinabukasan ay dinalaw ni Savanna si Vanessa. Nang makita nito si Savanna ay galit na galit siyang sinugod ito pero hinarangan siya ng pulis. "Bakit nandito ka? Anong kailangan mo sa akin?" "Vanessa, I'm sorry, tulad ng sinasabi ko ay gusto kitang makita araw-araw. Ayokong, magkaroon ka ng peace of mind, gusto ko kahit sa pagtulog mo ay mukha ko ang nakikita mo. Kasi sa tingin ko ay gustong-gusto mo ako eh. Kasi mula noon pa ay hindi mo na ako tinitigilan. Naisip ko kasi na baka miss na miss mo na ako, kaya nandito ako para makita mo ako." nakangiting wika ni Savanna. Habang nanggigil naman si Vanessa sa sobrang galit. "Hayop ka Savanna! Sa oras na makalabas ako rito ay humanda ka sa akin, dahil ako mismo ang papatay sa 'yo!" galit na singhal nito. "Vanessa, bubo ka ba? Narinig ka

