Lumipas ang ilang oras ay wala pa rin si Marcos, kaya nagpaalam na sina Enzo at Savanna na sila na lang ang uuwi sa isla. Ayaw pumayag nina Pablo at Marcela pero wala na silang nagagawa pa dahil gustong-gusto nang umuwi ni Savanna dahil naghihintay na rin si Eduardo sa kanila. Pag-uwi ni Marcos ay gabi na tahimik na ang mansion at malungkot ang bahay. Nang nakita siya ni Marcela ay lumapit ito sa kaniya at hinampas siya ng bitbit nitong paypay. "Si Vanessa pa rin ang priority mo? Umuuwi na sila imbis ikaw ang maghatid sa kanila ay wala na dahil mas inuuna mo ang kontrabidang Vanessa!" "Mommy, I'm sorry. Pero nakikiusap ako huwag niyo na lang pasukin ang personal kong problema. Kung gusto mong makita ang apo niyo puntahan ninyo sa bahay nila, huwag mong dalhin rito." seryosong wika ni

