"Marcos, bakit nakatulala ka diyan? Ayaw mo bang batiin si Savanna? Ex mo siya 'di ba? I mean she is your ex-wife." nakangiting tanong ni Mateo sa kaibigan. "Mateo, bakit kayo ganoon ka-close? Saka paano kayo nagkakilala? Waitress ba siya rito? Ang akala ko pa naman ay ang may-ari rito ang iyong gustong maging girlfriend, ang tagahugas pala ng pinggan?" natatawang turan nito kay Mateo. "Pare, ang sama mo naman sa mga tagahugas ng pinggan." wika ni Mateo habang tumatawa. "Savanna, pagpasensiyahan mo na ang kaibigan ko, sadiyang malalim lang talaga ito kung magbibiro. By the way, kumusta na pala ang baby mo?" tanong ni Mateo. "Okay lang naman guwapo pa rin siya saka cute. Huwag kang mag-aalala Mateo sanay na ako sa mga taong tulad ng kaibigan mo, Kitang-kita namang kulang sa knowledge

