"Marcos, bakit? Meron ka bang problema?" "Saka na ako uuwi kapag tapos na ang isang buwang usapan natin. Ayokong sirain ang ating pinagkasunduan, saka unfair sa 'yo kung basta-basta na lang kitang iwanan. Savanna, bakit ayaw mong dalhin mo ako sa mansion mo upang makasama ko si Enzo." seryosong turan nito. "Sure, Marcos, halika na sa mansion ka na tumira upang makasama mo si Enzo." nakangiting turan nito sa lalaki. Samantalang si Vanessa naman ay sumugod siya sa mansion ni Marcela. Galit na galit siyang pumasok sa sala, nang makita siya ni Marcela ay nagmamadaling tumayo ang matanda at sinalubong niya ito. "Bakit ka nandito sa mansion ko? Wala ka nang karapatang pumasok pa rito! Lumayas ka na!" sigaw ni Marcela pero galit na galit si Vanessa at nagulat ang matanda nang sampalin siya

