"Marcos, iwanan mo muna kami ni Marcela. Meron lang kaming pag-usapan." wika ni Pablo. "Opo, daddy. Halika na, Vanessa." umalis na ang dalawa at nagtungo sila sa tabi ng swimming pool. "Vanessa, bakit kasi atat na atat kang maikasal sa akin? Hindi ka na lang naghihintay sa mismong petsa." "Marcos, natatakot ako eh. Nakita mo namang mas gusto pa ni tita ang makita ang babaeng iyon, kesa maikasal ako sa iyo!" singhal nito kay Marcos. "Umuwi ka muna, huwag ka munang pumunta rito sa bahay, masyadong mainit si mommy." seryosong wika ni Marcos. "Ako pa ang mag-adjust sa mommy mo Marcos? Nakikita mo namang ayaw niya sa akin eh. Simula nang bumalik ka rito ay nagbago na sila s akin. Ayaw na yata niya sa akin para sa 'yo." "Vanessa, kailangang ikaw ang mag-adjust dahil hindi pa kita asa

