Chapter 24 Habang sinisipat ni Alfha ang mga requirements ni Dean ay pasimpleng tumaas-baba ang kanyang mga kilay. Lahat yata ng impormasyon na nais niyang malaman sa pagkawala nito ay nandoon sa mga binabasa niya. Nag U.S pala ito ng mahigit walong buwan upang magpa psychiatrist. At ayon sa result nito ay tuluyan na itong gumaling sa sakit. Iyon lang ang naging detalye nito, ngunit hindi na niya alam kung ano pa ang mga nangyari noon kay Dean. At ngayon ay muling nagbabalik sa kanyang buhay. Kaya naman matiim niya itong tinitigan. "Any question?" tanong nito habang magkadaupang ang mga palad nito. "Tell me what you want?" "Asking you another chance! Gusto ko sana 'yung pang romantic na pagbabalik, but you know me, Alfha. Gusto kong ako pa rin 'yung Dean na nakilala mo noon, ngunit hi

