chapter 4

1606 Words
Chapter 04 Pinili ni Alfha na magsimba muna, bago magtungo sa OB niya. Magpapa ultra sound kasi siya upang malaman niya na ang gender ng magiging anak. Sa ganoon ay hindi na bumigat pa ang sama ng loob. Hindi na siya nagsabi pa kay Dean, para ano pa't hindi rin naman ito sasama. Lagi na lang busy ang isasagot sa kanya kahit hindi naman. Namili muna siya ng mga gamit para sa kanyang magiging baby, sa ganitong paraan ay malibang siya, makakalimutan niya ang problema sa bahay. "Oops!" nabigla niyang sambit nang mabangga siya ng isang lalaki. Napatulala siya ng makita ang mukha nito. Matangos ang ilong at parang nangungusap ang mga mata. Sa hula niya ay isa itong half. "I'm sorry, Misis, nasaktan ka ba?" tanong nito habang pinupulot ang mga pinamili niyang nagkalat sa sahig. "O-ok lang, kasalanan ko rin naman hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko." "Here! Pasensya na ha, nagmamadali kasi ako," nakangiti na nitong saad. "Ok lang, nakangiti rin niyang tugon." Masayang sinundan niya na lang ito ng tingin. Magaan ang loob niya sa lalaki, sayang lang at hindi niya nalaman ang pangalan nito. Pagkatapos niyang mag mall ay dumiretso na siya sa kanyang OB. "Wow! Baby girl kaagad ang magiging baby mo, Alfha!" masayang sabi ni Doktora Lourdes. "Sayang lang at hindi nakasama ang asawa mo rito. Para naman matuwa rin siya," saad nito. Malungkot na nginitian niya si Doktora, kung alam lang talaga nito ang totoo. Pati sa Doktora niya ay itinago niya ang tunay na kalagayan niya, ayaw niya kasing kaawaan siya nito at magalit rin ito sa asawa niya. Habang nakatitig siya sa screen ay hindi niya maiwasang mapaluha ng marinig ang malakas na heartbeat ng kanyang baby. Mukhang lalabas pa yata ang kanyang anak sa kanyang sinapupunan na hindi makakaranas ng pagmamahal ng isang Ama. Matapos ang maghapong pamamasyal ay umuwi na siya. Baka maabutan siyang wala roon ni Dean agad siyang nagluto ng hapunan nito. Ito ang pinaka paborito niya sa lahat, ang paglutuan ito ng masarap na pagkain. Hindi niya naman ito naringgan na nagrereklamo, lahat ng niluluto niya ay nagugustuhan nito. Pagkatapos magluto ay naglaba naman siya, washing machine ang kanyang gamit. Ngunit pagdating sa mga puti at pang opisina nito ay nagkakamay siya. Lahat ng gawain ng isang asawa ay pinipilit niyang magawa, upang iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal. Patapos na siya sa paglalaba nang marinig ang pag busina ng sasakyan mula sa labas. Agad niyang iniwan ang nilalabhan at nagmamadaling pagbuksan ito. Mainit ang ulo nito ng pumasok. Siguradong may nangyaring hindi maganda sa opisina. "Ka-kakain ka na ba?" nag-aalinlangan niyang tanong dito. Ngunit madilim ang mukhang tumitig lang ito sa kanya. "Leave me alone!" singhal nitong utos. Kaya naman agad niya itong iniwan sa sala. Nakita niyang nagsalin ito ng alak sa kopeta at diretsong tinungga. Mukhang malaki talaga yata problema nito. Kaya naman hinayaan niya muna itong makapag-isip, total magsasabi naman ito kung nagugutom na. Hindi alam ni Alfha, kung ilang oras siyang nakatulog. Nakatulog siya sa paghihintay kay Dean. Hindi talaga ito nagtawag sa kanya, sinubukan niyang puntahan ito sa sala. Nakahiga na ito roon at parang mahimbing na ang tulog. Nagkalat ang mga boteng nasa mesa nito. Agad niyang niligpit ang mga kalat at sinubukan niya itong gisingin. "Dean, halika na, pumasok na tayo sa kuwarto," mahina niyang pukaw rito. "Uhhmmm," mahinang ungol nito. "Halika na, pumasok na tayo sa kuwarto." Ulit niya habang dahan-dahan itong niyogyog. Ngunit naparami ito ng inom, kaya't hirap nang gisingin. Tinulungan niya itong makabangon at nagpasya siyang sa guess room na lang sa baba niya ito patulugin, dahil hindi niya ito kayang iakyat sa secondfloor kung nasaan ang kwarto nila. Napasinghap siya ng tuluyan na itong mapahiga sa kama. Gaya ng dati, pinunasan at binihisan niya ito. "A-a-aram m-mo ba, B-buwesit ka sa bu-buhay ko!" nabubulol nitong sabi, habang namumungay ang mga mata, halos hindi na ito makapagsalita. Kahit alam na ni Alfha na ganoon nga siya para rito ay hindi pa rin maiwasang hindi siya masaktan. "Lasing ka lang matulog ka na," saad niya habang inaayos ang higaan nito. Ngunit sa pagkabigla ni Alfha ay hinila siya nito at siniil ng halik. Ang halik ni Dean ay mapanakit at pinaparusahan siya, halatang pilit lang. Nagpumiglas si Alfha, dahil nasasaktan na siya sa paraan ng paghalik nito. Hanggang sa nalasahan niya ang likido sa mga labi. Buong lakas niyang itinulak si Dean at sinampal. Parang natauhan ito bigla. Naniningkit ang mga matang napatitig ito sa kanya. Ngunit bago pa ito makapagsalita ng masakit sa kanya ay iniwan niya na ito. Diretso siya sa bodega at doon ay muling nagpakawala ng sama ng loob. Pagod na siya ngunit hindi niya pa rin ito magawang sukuan. Alas-singko pa lang ay gising na si Alfha. Dahil kailangan maaga siyang matapos sa gawaing bahay. Alas-dyes raw kasi darating ang mga bisita ni Dean. Normal lang ang mga kilos niya na parang walang nangyari kagabi sa pamamagitan nilang dalawa ni Dean. Hula niya ay nahihiya ito sa kanya ngayon, mukhang naka-alala yata ito sa ginawang sapilitan na paghalik sa kanya. Nagluto pa rin siya kahit sinabi nitong 'wag na siya'ng magluto. Adobong manok lang naman na tanging tuyo lamang at suka ang nakahalo maliban sa simpleng rekados ng mga ito. Mas gusto niya kasi yung simpleng luto lang upang labas pa rin 'yung tunay na lasa. kapag marami na kasi ang nakahalo ay parang nag-iiba sa kanyang panlasa. Nakita niyang pormal na itong nakabihis, kahit nasa bahay lang ay naka porma talaga ito. Nasanay kasi ito, dahil bukod sa pagiging officeman nito ay nagmo-model din ito ng sariling brand. Marami nang branch ang The Dean's Outfit at unti-unti na itong nakikilala ng mga tao. Dahil sa magaganda ang mga telang ginamit dito at sa kagwapuhan ng model na walang iba kung hindi ito. Pagkatapos mong magluto mag-ayos ka, magbihis ka ng medyo disente. Ayaw kong napapahiya sa mga bisita ko. Baka pagkamalan ka pang katulong dito. Narinig niyang wika ni Dean. Ang sarap sagutin ng totoo namang katulong lang ako rito. Ngunit katulad ng dati, bahag ang kanyang buntot at tikom ang mga bibig. Matapos ihanda ang lahat ng kailangan ay agad siyang nagbihis, dahil alas-nueve emedya na, baka mamaya ay dumating na ang apat na bisita nito. Puting maternity dress ang napili niyang suotin. Ang buhok na nanigas na dala ng pawis ay nilagyan muna niya ng pampadulas, bago siya nag blower. Naglagay ng konting lipstick at baby powder. Simplicity is beauty, ika nga. Nag wisik din siya ng kaunting pabango na agad namang napangiwi ng maamoy ito. Hanggang ngayon ay ayaw niya pa rin ng amoy ng pabango. Sumunod ay nagpalit ng sapin sa paa. Isang sandal na may heels lang ng 1 inches ang isinuot niya. Tinungo niya ang malaking salamin na nasa dressing room at umikot-ikot doon. Kahit wala na ang kaseksihan niya ay ok lang, dahil maganda naman ang naging kapalit 'non. Parang bigla siyang naexcite. Baka ipapakilala na siya ni Dean sa mga kasusyo nito. Tamang-tama naman pagbaba ni Alfha ay siya ring pagdating ng mga panauhin nila. Nagulat siya ng makita ang lalaking nakabangga sa mall. Nagulat din ito ng makita siya. Ngunit sandali lang ang pagkagulat nito, nginitian siya nito at tinanguan, at ganoon din ang ginawa niya rito. Hindi niya inakala na magkikita sila nito ulit at sa bahay pa talaga nila. "What are you waiting for? Ipaghanda mo na kami ng kape," utos sa kanya ni Dean. Nakatitig din pala ito sa kanya at tila nakita ang ngitian nilang dalawa ng bisita nito. "O-ok," saad niya bago tinungo ang kusina upang ipaghanda muna ang mga ito ng kape. Wala pa kasi ang mga pagkaing pina-order nito. kakatapos niya lang magtimpla ng kape nang dumating naman ang mga pagkain. Agad niya itong hinanda sa hapag-kainan. "Asawa mo ba Mister Fidistrano?" narinig niyang tanong ng kasama nito. Matagal bago ito makasagot,kaya sinalakay na naman siya ng kirot. Mukha yatang ikinahihiya pa siya nitong ipakilala sa mga kasama. "What happen to Zara? I heard before na ikakasal ka sa kanya," narinig niya ring tanong ng isa. "Di ba business meeting ito? So change the topic, ayaw kong pag-usapan ang ganyan," narinig niyang naging sagot ni Dean. "Need help?" Biglang napasulyap si Alfha sa lalaking lumapit sa kanya nang marinig ang boses nito. "N-no, its ok, Kaya ko na 'to, salamat," nakangiti niyang saad. "Hmmm. . . smell something good, mukhang masarap 'yang adobo mo, is that lutong tuyo lang and suka?" nakangiti nitong tanong. Kaya naman medyo nakalimutan niya muna ang kirot na nagsimula na namang sumalakay kanina. "Oo, how did you know?" Napapa-english tuloy siya. "That's my favorate, Laking lola kasi ako at s'ya ang nagturo sa akin magluto ng ganyan," masayang kuwento nito. "Talaga? Marunong kang magluto?" maang niya namang tanong. "Hindi ba halata?" biro nito, sa unang pagkakataon ay napakawalan ni Alfha ang malutong na tawa na kay tagal niya nang hindi nagagawa. Kunot ang noong napatitig naman si Dean kay Alfha at sa kasusyo niyang si Diego na masayang nag-uusap sa kusina. Hindi niya alam na magkakilala pala ang mga ito. Hindi niya inasahan ang inis na biglang sumalakay nang marinig ang malakas na pagtawa ni Alfha. Samantalang hindi niya pa ito narinig na tumawa ng ganon. "Dean, mukhang close ang asawa mo at Diego. Ang saya ng kuwentuhan nilang dalawa." tudyo ni Mister Paterson na ikina-inis niya. "Let's start, habang hindi pa handa ang mga pagkain," saad niya upang mawala kay Alfha at Diego ang usapan nila. Binalewala niya na lang ang mga biro ng mga kasusyo. Wala s'yang pakialam sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD