Chapter 22 Parang may shooting na nagaganap sa kahabaan ng highway dahil sa tatlong sasakyan na nag-hahabulan. Mabilis na nasundan nina Rex ang dalawang Van na sinasakyan ng mga kumuha sa kanila ni Alfha. Habang sa likod naman nila ay nakabuntot naman ang mga kaibigan ni Alfha. "Akala niyo siguro magtatagumpay kayo Mister Lim! Bakit ba kailangan idamay niyo pa kami sa kasalanan sa'yo ni, Dean!" inis na wika ni Alfha. Magkatabi na sila ngayon ni Zara na biglang nanghina, dahil sinikmuraan kanina ni Mister Lim. "Asawa ka niya, kaya damay ka lin sa poblema ni Dean!" singhal nito sa kanya, kaya naman talsikan ang mga laway nito sa mukha niya. Gusto niyang masuka sa amoy tsiko nito. "Hindi ko siya asawa, dahil hindi naman talaga kami totoong kasal, kaya pakawalan mo na kami. Kulang na lan

