Chapter 13

1706 Words

Chapter 13 Hindi rin nakatiis si Alfha kaya pagkatapos niyang makapagluto ay binalikan niya si Dean sa hardin. Baka kung ano na naman ang ginagawa nito roon. Baka tapos na itong makipag-usap sa cellphone. Parang akyat-bahay gang na bumalik siya sa kinaroroonan nito, halos hindi sumasayad ang mga paa sa lupa na tinungo niya ito. Takot siyang makagawa ng ingay, gusto niya lang sanang silipin muna ito bago lapitan at baka bugahan na naman siya nito ng maaanghang na mga salita. Nakita ni Alfha na nakatingala si Dean sa langit. Mukhang nagsa-sunbathing pa ang lalaking ito, parang hindi alintana na isa na itong baldado. Buti na lang ang wheelchair nito ay parang sa rocking-chair, puwede mong e-adjust pahiga, kaya hindi ito hirap kung gusto man nitong matulog. Ngunit malakas itong makiramdam.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD