Kinabukasan ay bisita nila na maaga pa ang mga kaibigan ng mga kapatid at ng asawa. Masaya ang dating ng mga ito lalo na dahil saktong fiesta. "Guys siya nga pala si Judith siya ang tumulong sa amin na makahanap ng matitirhan dito." pakilala ni Lira sa babae. Pag tingin niya sa asawa ay kita niya kung paano ito tumitig sa babae. Kita niya ang paghanga nito sa taglay na ganda ng babae. Kaya kahit wala namang ginagawa ang babae ay nasaktan siyang makita na ganun ang tingin ng asawa. Iniiwas niya ang tingin sa babae at sa asawa gusto niyang mapag isa sa ngayon. Nang malibang ang mga ito sa pag kukwentohan ay pasimple siyang umakyat sa second floor ng bahay. Ayaw niyang mas mawasak pa tama na yung pait at sakit na unti unting pumapatay sa kanya. Matagal na panahon na siyang nagtitiis sa sak

