Kagaya ng mga nakalipas na araw ay maaga siyang nagising kinabukasan ngunit may mas maaga pa pala sa kanya. Nasa labas ng bahay ang asawa at kausap si Judith. Dala ng matinding selos ay kinakailangan niyang lumayo sa mga ito. Ayaw niyang makita ang sinuman sa dalawa kaya mabilisan siyang naligo at nagbihis. Pabalya niyang binuksan ang pinto at dumaan sa harap ng mga ito. "O Drie saan ang punta mo ang aga pa ah!" nakangiting bati ni Judith. Dahil kahapon pa mainit ang ngalangala niya dito kaya naman tinaasan niya ito ng kilay. "Wala kang paki, sige ituloy mo lang kakalandi sa asawa ko!" sabi ko sabay talikod malakas ang boses niya pero who cares? di ba nito alam ang salitang delikadeza aga aga kung makipag harutan ito. Mabilis siyang naglakad takbo balak niyang pumunta ng parke at mag i

