Nang gabing iyon ay di pa siya pinayagan ng doctor na umuwe kaya naman maging si Judith ay naki sleep over din sa private room niya. Buti kakilala ni Judith ang anak ng may ari kaya pinayagan kami na marami kami sa room. "Drie para lang tayong nag hotel no? Nakatipid pa tayo!haha!" Si Julliane na nakahiga sa sahig may dala na foam na mainipis si Judith kanina. Malapad yun kaya naman yun ang inilatag nila sa sahig kung saan doon nagsihiga ang mga ito. May espasyo lang na pwedeng daanan ng nurse na nag rounds. "Oo nga no, kung naghotel tayo baka mas mahal pa ang bayad." Sigunda ni Jana. "Tsss matolog na! Pinupuyat nyo ang pasyente!" Si Tamara na naghahanda ng matolog. Kinabukasan ay pwede na daw na umuwi sila. Which is good kasi di naman siya komportable na maghapon na nakahiga lang at b

