Nagkikislapang mga camera ang sumalubong sa kanilang pagdating sa mismong venue. Wala siyang tiyak na date sa gabing ito habang ang kambal naman niya ay ang bestfriend nito na si Wind ang ka date. Biniro naman siya ng Kuya niya na tawagan ang asawa subalit alam niyang busy na tao ito. Di rin naman nito obligasyon na maging date niya sa mga ganitong pagtitipon. Sana lang i process na ng abogado nito ang annulment papers nila para maging malaya na ulit ito. Kahit ang saya man lang sa mukha ng asawa ang makita niya uli sapat na iyon sa kanya. Kahit pa nga ang habang buhay na pagka durog niya ang magiging kapalit nun. Nagulat pa siya ng may humawak sa beywang niya. Ang kanyang asawa. "Smile Tala, wag mo muna akong sungitan ngayon masisira ang image ko!" sabi ng lalaki na halatang binibiro a

