"Marco!" Nangininginig akong napasigaw nang makita ko siyang nakatayo sa dulo ng rooftop. Wala sina Diyes, Magne at Vaeden dito. Tanging kaming dalawa lang kaya't wala akong mahihingian ng tulong. Ang tanging nagawa ko na lamang ay ang umiyak habang pinapakiusapan siyang 'wag tumalon mula sa limang palagapag na building kung nasaan kami ngayon. "Ayoko nang mabuhay!" Tuloy tuloy ang buhos ng mga luha sa mata niya habang nakatayo sa dulo ng rooftop. Isang maling hakbang niya lang ay tiyak na mahuhulog siya. Wala akong nagawa kundi ang dahan dahang lumapit sa kanya. Pero nang papalapit na ako ay akmang tatalon na siya kaya't napatakbo ako nang mabilis papalayo sa kanya habang nakikiusap na 'wag ituloy ang kanyang binabalak. "H'wag kang lalapit, Margot! Wala ka nang magagawa, gusto ko

