Episode 3

1610 Words
Pawisan ang noo, nagpatuloy ako sa pagtakbo patungo sa classroom namin. Kamalasan pa nga, iyon ay matatagpuan pa sa fourth floor! Wala namang elevator kaya anak ka na kalabaw! Late na late na talaga ako! Wala namang kaso kung ma-late ako. Ang bagay lang na ikinababahala ko talaga ay iyong mapahiya! Iba ang adviser namin pagdating sa mga late comers. Hindi pinapalagpas ni Ma'amshie ang isang araw nang hindi napapahiya ang kung sino mang ma-le-late sa amin. Kahit isang minuto pa 'yan, wala ka pa ring kawala. Kaya't hanggang maaari, ayoko talagang ma-late. Pinusan ko ang aking noo bago ako makatuntong sa fourth floor. Tahimik ang mga nadaanan kong class room. Iyong tipong parang isang krimen ang mag-ingay. Iyong kapag gumawa ka ng kahit na isang mahinang ubo ay hindi ka na mapapatawad ng Diyos. Noong isang hakbang na lang ako sa pinto ng aming classroom ay ganoon na lang ang lakas ng t***k ng puso ko. My heart is practically pounding against my ribs. Closing my eyes, I started to enter the classroom. Wincing. Ready to accept the shameful kismet that I am about to experience today. Pero sa halip na ang matinis na boses ni Ma'amshie ang sumalubong sa akin ay tunog ng bote ang narinig ko. Animong pinapaikot ito mula sa sahig na tiles. Napamulat ako. And there I saw my classmates. They are all staring at me as if I killed the President of the country. One moment, I just want to shout "Bakit? Masamang pumasok sa classroom ko? Ikinamatay niyo? Ikinamatay niyo?" But, I chose to shut my mouth up because I am not a b***h. I let out a silent awkward giggle as I tuck the strand of my hair behind my ears. "Wala si Ma'amshie?" Deep inside, I am celebrating as if I won the lottery. Pero imbis na "Oo" at "Hindi" ang makuha ko ay "Truth or Dare?" ang narinig ko. And it came from Marco. Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. He is on his usual boyish grin with his eyeglass on. He looks . . . carefree and happy. Way far different from the voice message of him. "Hey? Na-iinlove ka na ba sa akin?" He started to laugh like a kid. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Ma-issue talaga ang lalaking 'to. Tinitigan lang siya, inlove agad? "Why would I? Gwapo ka ba?" Then I heard a few chuckle and teasing "Oooh" from my classmates. Para ba silang mga audience at kami ni Marco and bida sa boxing ring. He laugh more. Para bang hindi naapektuhan sa patutyada ko. "Okay, you won." "Then good." I smile sweetly at him. Savoring my triumph and about to start my winning walk towards my seat but I was halted by all of the entities we have in this class room. When I say all, it includes the rat for our science project. "Aba, bakit?" Suminghal ako. "Masamang umupo? Bawal ba?" Hindi sila nagsalita. Tinuro lang nilang lahat iyong bote na nakahiga sa harap ko. Ang bibig nito ay nakaharap sa akin at samantalang ang pwetan naman nito ay kay Marco. Marco continue to stare at me as if I am his dreams. He is smiling widely. "Truth or dare?" Mga lintik kayo! Nag-i-spin the bottle pala kayo?! I balled my fist as I squeeze my skirt. Jusko, ano bang nangyayari sa araw ko?! But thinking about this, nabanggit ito sa akin ng future self ko. She chose dare. Kung piliin ko kaya ang truth this time, mababago na kaya ang future? Masasagip ko na ba agad si Marco? Wala na siguro akong poproblemahin kung ganoon? Bago ko pa masagot ang sarili ko ay napasambit na ako ng "Truth." Marco's smile grew more. Tuwang tuwa ang loko. Isip bata talaga. "Okay." He is on his indian sit as he rest his chin on his palm. Tumingin siya sa kisame. Para bang doon niya lang makikita ang mahirap na itatanong niya sa akin. Kilala ko ang lalaking ito, gustong gusto niyang nahihirapan ako kaya't for sure, mahirap 'yan! "In another life . . . In another alternate universe," He started, napakurap ako. This is not funny. "May chance bang ma-fall ka sa akin?" Napalunok ako ng laway. Hindi alam ang isasagot. Jusko naman! Pwedeng magpalit? Pwedeng dare na lang pala? Pwede pa naman, 'di ba?! Nagsimulang mag-sigawan ang mga kaklase ko. Iyong sigawan na talagang mahihiya ang KathNiel. Iyong tipong tatalunin ang tamang panahon ng Aldub. At iyong makakalimutan mo na may JaDine pala. Ang nakakainis pa dito, ang bestfriend ko ay parang tangang talon nang talon habang humihiyaw ng "MarMar". Ang baho! Nakatadhana talaga kami ni Marco na mag-away. Ang pangalan ko pa lang na Margot ay umaayaw nang maisama sa kanya. Paano pa kaya ako? To my awful moment, Magne started the chant. Ang hiyawan ng mga classmates ko ay napalitan ng walang humpay na "MarMar". Animal! So, anong isasagot ko?! Oo o hindi? O maybe? O next question? Jusko, bahala na nga! Tumango na lang ako. Walang akong sinabi pero ang mga classmates ko ay talaga nga namang nagka-ingay. Iyong para bang hindi na sila nahiyang kami lang ang maingay sa buong school. Iyong para bang hindi sila natatakot na baka sooner or later, mapagalitan na kami ng Principal. Si Marco naman ay ngiting-ngiti pa rin. Halatang tuwang tuwa na naka-pogi points na naman siya. Hindi ko ba alam sa lalaking ito! Napairap na lang ako habang lumalakad patungo sa upuan ko. Thankfully, mabilis mag-move on ang mga kaklase ko. Bigla silang tumahimik noong muling paikutin ni Marco ang bote sa sahig. Napatalon na lang ako sa gulat nang biglang sumigaw na naman sila. Napatingin ako sa kanila. Nagtataka kung bakit nakatingin na naman silang lahat sa akin. Lahat sila ay may mapanuyang ngiti. Halatang hindi ko magugustuhan ang ipinahihiwatig nila. Wincing, my eyes travelled towards the bottle that is innocently lying against the floor. Ang bibig nito ay nakaharap na naman sa akin! What the hell? Blinking, I know that I have to collect myself up. I know I have to be strong. Ayokong mamatay sa pagka-high blood. Bata pa ako! "You have no other choice but to do my dare, baby." Said by Marco who is now staring at me as if I am a winning number to a lottery. I facepalm as my classmates laugh in chorus. Kaunti na lang, tatamaan na talaga sila sa akin! I roll my eyes. "Go on." Marco gave me a knowing smile. There's a hint on his eyes. A glimpse. But it's a puzzle. I am never good at deciphering emotions so I will never know it. "I dare you na samahan ako sa canteen ngayon." Some of my obnoxious classmates yelled "MarMar", most of them giggled as if they are watching a cheesy romantic movie. Ang best friend ko naman ay patalon talon habang sinisigaw ang nakakairitang katagang, "Magkaka-jowa na ang best friend ko, sa wakas!" I am really wincing hard as I chose to drop my bag on the floor. Then I directed my way outside the class room. Wishing that Marco would be dexterous enough to unravel the sign that I want him to just follow me. Noong nasa labas na ako ay tumigil ako. Without facing him, I asked, "Ano ba kasing trip mo?" It was harshly. And I didn't mean it. "Ikaw . . ." Nakakunot ang noo, humarap ako sa kanya. Only to find out that he is still on his obnoxious smile. "Trip kita." Wala talaga akong matinong sagot na makukuha sa lalaking ito! Tumalikod na lang ako at mabilis na lumakad pababa ng hagdan. Wala na akong pakialam kahit maiwan pa siya. I continue to direct my feet down the building. Noong nasa labas na kami ay nagsimula na siyang maglakad sa tabi ko. "Ikaw, ano bang trip mo? Bakit lagi mo akong sinusungitan?" Hindi ako sumagot. Bakit nga ba? "Bakit lagi kang badtrip sa akin?" Wala talaga akong ma-i-sagot. It's like being cornered on a quizzical maze. I was left hanging and clueless of the way how to escape from it. "Hey? Do you hate me that much?" Pagpapatuloy niya. "But . . . why?" We are a few meters away from the canteen. Some of the teachers are looking at us with a knowing glare. Hindi pa naman kasi break time ngayon. Hindi ako makatingin kay Marco. "I don't know. Honestly, I-- I really don't know." He chuckled. "Komplikado talaga kayong mga babae. Hindi ko kayo maintindihan." I joined him. "Mas komplikado kayong mga lalaki dahil hindi niyo alam kung papaano kami basahin." "Whatever." He laughed more. Okay, tama ang nakalagay doon sa sulat. Ito na nga yata ang pinakamatinong pag-uusap namin ni Marco. Pero kung ganoon nga, kailangan ko nga talagang sundin ang nakasulat doon. Pero ang tanong, papaano ko 'yon magagawa? Papaano ko mapipilit si Marco na h'wag magpalipas ng hapon kasama kami? Ang gulo. Sobrang gulo. Papaano ko mababago ang nakatadhana na? Katulad na lang kanina, I didn't do what my future self did. Instead of choosing dare, I chose truth. Pero wala pa ring nangyari, destiny still lead me to saying dare to Marco. Papaano na nga? "Lalim ng iniisip mo, ah?" I turn my gaze at him. "Just . . . thinking about the project." He nodded and pursed his lips. "Alright. I forgot you are a full-time nerd who mostly cares about her grade." Natawa ako. Hinampas ko siya sa kanyang braso. "Atleast, I am not a full-time jerk just like you." "I am proud of it." He messed my hair before he enter the canteen. Napapailing na lang akong sinundan siya. Loko-loko talaga ang isang 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD