Habang patuloy sa paghagulgol si Marco, ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat ay tila bang mas lumalamig dulot marahil ng lungkot na nadarama niya. Lahat kami ay natahimik, tanging tunog lang ng alon, ng malakas na ihip ng hangin at ng malungkot na paghagulgol niya ang tanging naririnig namin sa kasalukuyan. Ibinaling ko ang aking tingin kay Marco, bakas na bakas pa rin sa mukha ko ang pag-aalala. "Marco, death isn't the end of everything. It's actually not a period but a punctuation mark that will continue the eternal happiness to the paragraph of someone else's life." Nagpatuloy lang siya sa paghagulgol na unti-unti namang dumudurog sa aking puso. Bumuntong hininga ako at saka ibinaling ang aking tingin sa mga kaibigan ko, bakas din sa kanila ang pag-aalala at kalun

