Luna's P.O.V
Kinapa ko ang orasan ko na sobrang ingay ang aga aga, hindi ko makapa kaya tumayo nalang ako at saka ko ito kinuha at pinatay. Ang ingay mo naman ang aga aga ano ba ang problema ng orasan nato at nag ngangawa.
"Luna!! bumaba kana diyan! bilisan mo at malalate kana niyan!"Tawag sakin ni mama. At saka kolang narealize na studyante pala ako hindi tambay sa bahay para mag reklamo sa orasan dahil maaga niya akong ginising.
"Nanjan napo! Si mama naman ang aga aga ang ingay" Sabi ko nalang at saka nag hikab sinamahan ko na rin ng unat. Good morning sunshine.
Kinuha ko na yung towel ko sa kabinet at saka na ako naligo.
Nang natapos na akong maligo nag suot na agad ako ng uniform at saka nag suklay. Dahil mahaba ang buhok ko hirap akong suklayin ito pero okey lang maganda naman yung buhok ko.
Pag katapos non ay bumaba na ako, pag baba ko nakita ko si Kuya Mark na nag kakape lipstick lang ang nilagay ko ang alam ko kasi sobrang ganda ko na kaya hindi ko na kailangan mag makeup.
"Bilisan mo na diyan" ani ni Mama
"Opo, mama" Sabi ko at saka na naupo at kumain after ng breakfas umalis na kami ni kuya.
Luna serenity Hanabishi 'yan ang full name ko, 15 years old na ako isang buwan na lang 16 na ako malapit na akong maging dalaga excited na akong maexperience yung love.
Nag iisa akong anak na babae na maganda makinis ang balat at pinaka cute sa lahat, pero ang totoo niyan imagination kolang yon. So what maganda pa rin naman ako kahit na ganon, lahat naman ng babae maganda saka ka lang hindi gaganda kapag nanlait ka kasi nakakapangit talaga yung pang lalait sa totoo lang. Pero lahat naman ng tao nanlalait kasi....
Hindi ko kilala yung tatay ko kasi 6 years old daw si kuya nung namatay siya ang kaso ngalang nag tataka ako kung bakit mag kaiba kami ng last name ni kuya.
Weird kaya ang last name ko, parang out of this world pakinggan Hanabishi. Parang yung mga nasa anime lang or fantasy movies ganon.
Pero kahit na ganon ayaw ko sa last name ko , feeling ko kasi naiiba ako sa lahat kapag tinawag nila ako sa last name ko kaya naman ask permission muna sila bago mag salita maski mga teacher ko hindi binabangit last name ko. Parang kasing tumubo lang kung saan yung hanabishi.
Nasa 3rd year high schools na ako, si Kuya naman nasa 4rth year na sikat si kuya sa mga babae ang kaso binabalewala lang niya yung mga yun.
Ako naman famous sa mga teacher araw araw akong hinahanap ng mga subject teacher ko namimiss nadaw nila ako charot lang.
Ang totoo niyan lagi kasi akong bagsak sa mga subject ko kaya nila ako hinahanting hindi naman kasi akong kasing talino ni kuya kaya naman ganon nalang ako kasikat sa mga teacher ko. Hindi naman sa tamad akong mag-aral pero kasi tadhana ang nag desisyon nun, alam niyo ba?.
Idol ko ang Kuya ko kasi magaling siya sa lahat siyempre wala siyang sakit.
Mabait si Kuya kahit kanino bata man o matanda pero bakit pag dating sakin ang sungit niya parang naubusan ako ng kabaitan ni Kuya.
"Hoy, ikaw bilis bilisan mong mag lakad diyan" Sabi ni Kuya
"Opo" Sagot ko, maging mabait tayo.
"Kagabi ba gabi kana natulog sigurado kabang ginawa mona yung assignment mo?" Tanong nito.
"Oo naman, at saka nag review narin ako para sa quiz namin mamaya kaya sigurado ako na mataas ang makukuha ko" Yun ba talaga ang ginawa ko kagabi?
"Sige Sabi mo" Sabi ng magaling Kong Kuya.
Teka kung babalikan ko kung anong ginawa ko kagabi at yun yung mag basa ng w*****d. Hayaan muna nga sanay naman na ako na mababa ang grades ko anong magagawa ko kung yun ang result.
"Paano umaasa ako na hindi na ulit ako mapapatawag ng mga teacher mo dahil bagsak ka nanaman" Sabi ni Kuya at mukhang seryoso na siya.
"Aba oo naman" mayabang kong sabi.
Nagtatakbo na ako papunta sa classroom ko pag dating ko umupo na agad ako sa upuan ko at saka ako tumingin sa bintana.
Hindi ko alam pero sumasaya ako kapag na kikita ko ang kalangitan.
Maya maya ay dumating na ang dragon naming teacher, nagulat nalang kami sa nakita namin yung hair style niya para siyang bata.
Naka ipit siya ng dalawa at naka hairband ng tenga ni mikymouse.
Pinigil ko nalang ang tawa ko ganon din ang mga classmates ko kasi pag nahuli kami na tumatawa magagalit siya samin.
"Gusto kong sabihin na hindi matutuloy ang quiz natin ngaun" Sabi ni Ma'am at saka isa isa kaming tinignan.
"Alam niyo naman na siguro yung Charm Academy?" Tanong ni Ma'am well hindi na kami nag salita sa about sa quiz kasi alam kong lahat ng nasa classroom ngaun ayaw non. But that Charm Academy.
"Yes, ma'am!" sabay sabay naming sagot. Akala mo naman kasi may tinuro basta basta nalang nag papa quiz , ano yun tutubo nalang sa utak namin yung sagot.
"Merong ten student na nag mula sa Charm Academy ang papasok dito ng three weeks, dahil gusto daw nilang maranasan ang nararanasan niyo dito" Sabi ni Ma'am , bakit ano ba ang nararanasan namin dito sa school bukod sermonan ng mga teacher dahil sa mga katarantaduhan namin , at saka mga anak ng gold ang nasa Charm Academy makakatagal kaya sila sa public school?
Tahimik lang ako pero yung mga classmate ko nag wawala na sa saya, siyempre mayayaman yun at magaganda at pogi aasahan na nila namay masusungkit sila.
"From Royal Family silang lahat kaya maging mabait kayo sa kanila" Sabi ni Ma'am. Natahimik ako doon, maniwala kayo sa hindi totoo yun. Charm Academy ang pinaka sikat at mayamang school sa pinas naligaw ata yun dito.
"Yes Ma'am!" Sagot nila.
At alam niyo ba ang pinaka nakaka shock sa lahat, powers is real. Kasi sabi nila may mga powers daw ang nasa Charm Academy, hindi lang ako sure kasin wala pa naman nagpapatunay na totoo yan. It means kuwento lang ang lahat.
"Bukas pa yon" Sabi ni Ma'am
Kaya naman sumimangot lahat ng classmate ko. Akala mo naman mga nawalan ng isang libo. Nag jojoke ba siya bukas papala yun.
Nag karoon ng katahimikan sa classroom namin ng may kumatok.
"Sorry class na jojoke lang ako, ang totoo ngaun yun pero class sabihin niyo nga kung okey naba yung ayos ko" natahimik amg buong klase at napatingin sa kaniya nararamdaman kona gusto siyang sakalin ng mga classmates ko wala lang silang magawa dahil teacher namin siya. Ang pangit mo Ma'am hindi bagay sa'yo!
Hindi na nagsalita si Ma'am kaya naman binuksan niya na yung pinto.
Pag bukas ni Ma'am may pumasok na tatlong studyante na suot nila yung school uniform namin.
"Class sila yung sinasabi ko sa inyo puwede niyo ng ipakilala ang sarili niyo" Sabi ni Ma'am sa kanila.
"Ako nga pala Akira Belsemon masaya akong makilala kayo" pakilala nung magandang babae, lahat kami natahimik mahaba ang straight niyang buhok hanggang bewang ang puti niya at kulay blue ang kaniyang mata.
"Ako naman si Sebastian Hanabishi" Seryosong pakilala nong isang lalaki na matangkad at itim ang buhok pati narin ang mata.
"Ako naman si Finny Hanabishi" masayang pakilala naman ng isang lalaki na medyo matangkad itim ang mata parang mag kamukha sila ni Sebastian.
Wala akong pake sa kanila ano naman kung galing sila sa sikat na school at mga royals sila? Pero kaparehas ko sila ng last name at mukhang nahalata nadin yung ng mga classmates ko.
Matapos nilang mag pakilala pinaupo sila sa likod may bakante kasing upuan doon at katabi kopa. Gusto ko kasi sa likod dahil minsan tulog ako secret lang yun pero minsan talaga , yung ibang teacher merong sarili seating arrange.
Matapos non nag simula na ang teacher namin mag discuss, nakikinig naman ang lahat pero sadyang yung iba papansin sa mga taga ibang school.
Hay, sa wakas uwian narin natapos ang klase na wala akong natutunan. Natulog nalang sana ako.
Nag lakad na ako pauwi, hindi kona hinanap ang kuya ko kasi alam kong kasama niya ang mga barkada niya ngaun at alam kong hindi ako bet ng mga yun kaya ayaw ko silang makita mga jejemon naman.
Pero seryoso anong ginagawa ng mga royals nayun dito? Impossible naman na gusto lang nilang maranasan ang buhay sa public school alam kong meron payan hindi lang nila sasabihin dahil bawal.
*********