Luna's P.O.V Isang linggo na ang nakalipas mula ng umalis si Serepina, naging maayos naman ang lahat pero hindi parin ako mapalagay hindi ko alam kung bakit? Dahil ba sa sinabi ni Serepina? masakit nanga sa ulo ang pag aaral tapos may dagdag pang mas masakit sa ulo. "Luna!" Napatingin ako kay Lily. "Bakit?" "Hehe, happy birthday!!" Sigaw nilang dalawa ni Fate at inilabas nila ang isang cake na hindi naman gaanong malaki yung tama lang at chocolate pa ang flavor. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa little beautiful surprise. "Lily, Fate" sabi ko hindi kona napigilang umiyak dahil sa sobrang daming nangyari, dahil ako mismo nakalimutan kona yung sariling birthday ko. Pero malulungkot parin ako kasi hindi ko kasama sila mama at kuya, miss kona sila lumapit ako sa dalawa at saka

