Serepina's P.O.V "Ah!" inda ko ng sampalin ako ni ina. "Kahit kailan talaga ang bobo mo! sinayang mo ang lahat ng pinaghirapan ko!" sabi sakin ni ina, pinaghirapan mo? ano ba ang ginawa mo? tama si Luna sunod sunuran ako sa'yo, parang hindi mo'ko anak para akong aso. Ginawa mo'kong alagang aso. "Patawad po ina. . . pero malakas po talaga si Luna kahit anong gawin ko talo parin ako, salita palang ni Luna wala na akong magawa" sabi ko , dahil nadala ako sa mga salita ni Luna, hindi niya ako sinugod. Hindi siya lumaban kahit na alam ni Luna na impostor ako at hindi siya nagalit sa'kin hinayaan niya lang ako. "Ang sabihin mo mahina ka" ani ni ina, parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi ni ina. "Tama brabo! hindi niya kasi ginagamit yung utak nyang malaki" maarting pagkasabi ng k

