Fate's P.O.V Ang taas ng tirik ng araw pero nakalabas ang buwan ang ibig sabihin malapit na ang kabilugan ng buwan. "Fate nalate ba ako?" Si Finny na kararating lang. Ngumiti ako at umiling. "Hindi tama lang ang dating mo" nitong mga nakaraang araw naging close kami ni Finny at tinupad niya naman ang promise niya na hindi niya ipag sasabi yung tungkol sa secreto ko. "Tara kain tayo" sabi nito at saka kami umupo sa damuhan at saka niya nilabas yung pagkain na dala niya na home made humanga pa ako dahil isa skyang principe pero marunong siyang mag luto. "Nag luto kaba?" tanong ko habang nakatingin sa adobong manok at mukhang masarap ito ang paborito kong pag kain. "O-Oo kanina inisip ko kasing mag luto muna bago mag punta dito kung ayaw mo pwede naman bumili nalang tayo sa canteen" Na

