Luna's P.O.V Matapos ang pang yayari na iyon kahapon bigla nalang kaming naka receive ng balita na sugatan yung mga bagong studyante, hindi ko alam kung bakit basta ang alam kolang ako ang dinidiin namay kasalanan. "Zen! ikaw ba ang may gawa no'n?" tanong ko kay Zen, pag pasok ko siya aga ang hinanap ko. "Tar*ntado ako Luna, pero hindi naman ako sobrang hibang para gawin iyon sa mga dayo. Baka nakakalimutan mong principe ako at kailangan natin ang matibay na ugnayan sa ibang kaharain" aniya, kumuyom ang kamao ko. "Kung ganon sino ang may gawa no'n, mas lalong hindi naman ako! Zen please naman umamim kana kung ikaw talaga iyon" galit na ako nararamdaman kong gusto ng magalit ng magic ko. "Luna" napatingin kami sa pinto at nakita namin si Serenity, pumasok ito at saka ako niyakap.

